Advertisement

Responsive Advertisement

"KAHIT PA IKAW AY DATING SPEAKER, WALA KANG LUSOT" PALASYO NANINDIGANG KAILANGANG MANAGOT ANG SINUMANG SANGKOT SA KORAPSYON

Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

 



Mariing sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi makakalusot sa pananagutan si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez kung mapapatunayang sangkot ito sa anomalya sa flood control projects. Ayon kay Castro, kahit pa nagbitiw sa kanyang posisyon si Romualdez, hindi ito nangangahulugang ligtas na siya sa imbestigasyon na isinasagawa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).


“Kahit naman hindi siya mag-resign, kung masasangkot ang kanyang pangalan at may ebidensya laban sa kanya, maganda kung ito ay kanyang dedepensahan gamit ang mga records na maaari niyang ipakita” - Atty. Claire Castro


Binigyang-diin ni Castro na ang pagbibitiw sa posisyon ay hindi dapat ituring na pagtatapos ng pananagutan. Dagdag pa niya, ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat managot sa batas anuman ang kanilang posisyon, dahil ang tiwala ng publiko ay hindi basta-basta ibinibigay, ito ay kailangang pinangangalagaan.


Ang pahayag ng Palasyo sa pamamagitan ni Atty. Claire Castro ay malinaw na mensahe: walang opisyal ng gobyerno ang dapat ituring na untouchable.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento