Muling nag-viral si Kim Chiu matapos maglabas ng matapang at emosyonal na pahayag laban sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa kanyang mahabang post sa social media, inihayag ng aktres ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na korapsyon, kahirapan, at kawalan ng konkretong aksyon ng pamahalaan, lalo na sa gitna ng mga kalamidad na patuloy na dumaranas ang bansa.
“Harap-harapan ang pagnanakaw, harap-harapan din ang paghihirap ng taumbayan. Libo-libong pamilya ang nagugutom habang ang ilan, patuloy sa pangungurakot,” ani Kim sa kanyang pahayag.
Dagdag pa ng aktres, tila hindi na lang mga tao ang sumisigaw ng pagkadismaya, kundi maging ang kalikasan mismo ay nagpapakita ng galit sa anyo ng mga kalamidad tulad ng baha, init, at lindol.
“Sa mga nasa posisyon, please hear us. Hindi lang tao ang sumisigaw, Mother Nature na mismo ang nagpapakita ng mga pagkakamali ninyo. Mga baha, init, lindol mga paalala na may hangganan ang lahat,” dagdag pa ni Kim.
Maraming netizens ang sumuporta sa pahayag ni Kim, at pinuri siya sa kanyang tapang na magsalita ng totoo kahit alam niyang posibleng makatanggap siya ng batikos. Gayunman, may ilan ding nagsabing hindi dapat haluan ng politika ang mga personal na opinyon ng mga artista.
Ngunit para kay Kim, hindi ito usapin ng politika kundi ng kabuhayan at kapakanan ng bawat Pilipino. Ayon kay Kim, panahon na para manindigan ang lahat at huwag nang ipagsawalang-bahala ang katiwaliang nakikita sa paligid. Aniya, ang bawat Pilipino ay may boses, at kailangang gamitin ito para sa kabutihan ng nakararami.
Ang pahayag ni Kim Chiu ay naging simbolo ng boses ng karaniwang Pilipino, mga pagod, sawang manahimik, at gustong makita ang pagbabago. Sa panahon ng patuloy na kahirapan, kalamidad, at katiwalian, ipinapaalala ng aktres na hindi lamang mga tao ang naapektuhan kundi pati na rin ang kalikasan na unti-unting gumaganti sa kapabayaan ng tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento