Advertisement

Responsive Advertisement

"ITO'Y NAKAKABAHALA YUNG TAGAPROTEKTA NATIN SA MGA BAGYO UNTI-UTING PINAPATAY" SIERRA MADRE TAGAPAGTANGGOL SA BAGYO UNTI-UNTI NANG NASISIRA

Biyernes, Nobyembre 7, 2025

 



Ang Sierra Madre, na matagal nang itinuturing na unang depensa ng bansa laban sa malalakas na bagyo, ay unti-unting nasisira dahil sa operasyon ng mga mining company, partikular sa bahagi ng Dinapigue, Isabela. Ayon sa mga environmental advocates, kung magpapatuloy ang ganitong uri ng operasyon, posibleng tuluyang mawala ang mga kagubatan na nagbibigay-proteksyon sa milyun-milyong Pilipino.


Batay sa aerial view ng Google Maps, makikita ang malalaking bahagi ng bundok na kalbo na dahil sa patuloy na pagmimina. Nakababahala ito dahil sa laki ng kontratang hawak ng Dinapigue Mining Corporation, na aabot umano sa 25 taon panahon na sapat upang tuluyang mawasak ang natural na depensa ng bansa laban sa kalamidad.


Ang Sierra Madre ay hindi lamang simpleng kabundukan. Isa ito sa pinakamahabang mountain ranges sa Pilipinas, na sumasaklaw mula sa Cagayan Valley hanggang Quezon Province. Ayon sa mga eksperto, ito ang dahilan kung bakit hindi gaanong tinatamaan ng matinding pinsala ang Metro Manila tuwing may bagyo dahil hinaharang ng Sierra Madre ang lakas ng hangin at ulan bago pa ito tuluyang makarating sa mga urban areas.


Ngunit sa kabila ng napakahalagang gampanin nito, tila unti-unti itong binubura ng kapabayaan at kasakiman. Maraming netizens at environmental groups ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit matapos kumalat ang mga larawan ng mga wasak na bahagi ng bundok.


Ang Sierra Madre ay hindi lamang kagubatan, ito ay buhay, kalasag, at tahanan ng libo-libong hayop at mamamayan. Ngunit kung patuloy itong winawasak, tayo rin ang magbabayad ng pinakamataas na halaga buhay at kaligtasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento