Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres at komedyanteng si Awra Briguela matapos niyang ibahagi ang matinding sakit na nararanasan dahil sa patuloy na panghuhusga at pambabatikos sa kanya, lalo na pagdating sa kanyang gender identity.
Sa isang panayam, umamin si Awra na labis na naapektuhan ang kanyang mental health dahil sa mga taong patuloy na binabastos at tinutukso siya sa social media.
“I keep telling myself it’s okay, that it’ll pass but until when? How long are you going to keep bullying me? Because honestly, you’re ruining me and my mental health. All I want is to be respected and loved for who I am” saad ng aktres.
Ayon kay Awra, matagal na niyang sinisikap maging matatag sa kabila ng mga negatibong komento, ngunit aminado siyang hindi madali na araw-araw ay ginagawang biro ang kanyang pagkatao.
“Hindi ko alam hanggang kailan nyo ako bubullyhin dahil sa pronouns ko,” emosyonal na pahayag niya. “Hindi ko naman hiningi maging ganito, pero pinili kong maging totoo sa sarili ko. Sana ganun din kayo maging totoo sa respeto.”
Dagdag pa ni Awra, hindi niya hinahanap ang simpatya ng publiko, kundi ang simpleng respeto sa kanyang pagkatao. Para sa kanya, ang paggalang sa tamang pronouns at pagkakakilanlan ng isang tao ay hindi dapat maging isyu o katatawanan.
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, sinabi ni Awra na patuloy siyang lalaban hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga kabataang tulad niya na madalas nakararanas ng diskriminasyon at pangmamaliit.
Ang emosyonal na pag-amin ni Awra Briguela ay sumasalamin sa tunay na hirap ng mga taong nakararanas ng diskriminasyon dahil sa kanilang pagkakakilanlan. Sa mundo kung saan madalas ay mabilis humusga ang iba, ang kanyang mensahe ay paalala ng kahalagahan ng empatiya, respeto, at pag-unawa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento