Isang makabuluhang paalala ang ibinahagi ng multi-awarded actress na si Judy Ann Santos tungkol sa pag-ibig at respeto sa isang relasyon. Sa kanyang pahayag, iginiit ni Judy Ann na hindi rason ang pagmamahal para saktan o tiisin ang pananakit ng isang tao, mapa-emotional man o physical.
Sa panahon ngayon kung saan marami ang nasasangkot sa toxic at abusive relationships, nanindigan si Judy Ann na ang tunay na pag-ibig ay hindi nananakit, kundi nag-aalaga at nagbibigay ng kapanatagan.
“Pag minura ka at sinaktan ka emotionally at physically ng isang lalaki, I swear it’s not love. Yes, meron talagang away sa pagitan ng relasyon, but it’s not just the reason para pwede kang saktan anytime,” ani Judy Ann sa kanyang pahayag.
Ayon pa sa aktres, maraming babae lalo na ang mga kabataan ang nananatili sa ganitong klase ng relasyon dahil iniisip nilang “baka magbago pa siya” o “baka kasalanan ko rin.” Ngunit, binigyang-diin ni Judy Ann na ang ganitong kaisipan ay nakasisira sa sarili at hindi bahagi ng totoong pagmamahal.
“Palagi mong isipin na ang unang nasasaktan ay ang magulang mo kaysa sayo. So, kung naranasan mo ‘yan, ihinto mo na habang maaga,” dagdag ni Judy Ann.
Bilang isang ina at asawa, sinabi ni Judy Ann na ang respeto ay pundasyon ng anumang relasyon. Kung wala nito, kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal, mauuwi lang ito sa sakit at panghihinayang.
“Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo siya sasaktan. At kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya paiiyakin o papahirapan. Love is supposed to make you feel safe, not broken.”
Ang pahayag ni Judy Ann Santos ay hindi lamang simpleng paalala kundi isang panawagan para sa respeto at self-worth. Sa panahon kung saan maraming nagkakamali ng kahulugan ng “pagmamahal,” pinaalala niya na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa sakripisyo o pagtitiis sa sakit, kundi sa kakayahang alagaan at pahalagahan ang isa’t isa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento