Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA NG PAG-ASA ANG MARCOS ADMINISTRATION" KIKO BARZAGA, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA NG VISAYAS AT MANDANAO PARA KUMALAS SA MARCOS ADMINISTRATION

Biyernes, Nobyembre 7, 2025

 



Isang kontrobersyal na panawagan ang inilabas ni DasmariƱas Representative Kiko Barzaga matapos niyang manawagan na kumalas ang Visayas at Mindanao sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon sa kanya, panahon na upang bumuo ng isang malayang pamahalaan na tunay na maglilingkod sa kapakanan ng mamamayan.


Sa isang video na ipinost sa kanyang Facebook page noong Nobyembre 6, mariing sinabi ni Barzaga na “pinatay na ng korapsyon ang mga Cebuano” at labis na ang pang-aabuso ng national government sa pera, yaman, at dangal ng mga Pilipino.


“First it was only money, and our national pride. But now we have reached the point where our corrupt politicians are directly taking human lives as well. Wala ng pag-asa ang Marcos administration” ani ni Barzaga sa kanyang talumpati.


Giit ng kongresista, wala na siyang nakikitang pag-asa sa kasalukuyang administrasyon, at naniniwala siyang hindi na makikinig sa hinaing ng mga ordinaryong mamamayan ang gobyerno.


“Our President steals and parties while our citizens suffer and drown, which is why, alongside Mindanao, I will call upon the people of Cebu and the rest of Visayas to join our calls for secession,” dagdag niya.


Sa kanyang panawagan, sinabi ni Barzaga na ang paghiwalay ng Visayas at Mindanao ay hindi simpleng rebelyon, kundi isang paninindigan laban sa pang-aapi, katiwalian, at kawalang malasakit ng pamahalaan sa mga probinsya.


“Instead of having your taxes and natural resources exploited by the elites of the National Capital Region, let’s instead create an independent government that truly acts in service to the people,” paliwanag pa niya.


Ayon pa sa mambabatas, naniniwala siya na ang mga rehiyon sa Visayas at Mindanao ay may sapat na likas na yaman, talento, at kakayahan upang tumindig sa sariling mga paa.


Ang panawagan ni Kiko Barzaga ay nagdulot ng malawak na diskusyon sa politika at social media, dahil sa bigat ng kanyang pahayag laban sa pamahalaan. Para sa ilan, ito ay tinig ng pagkadismaya mula sa mga rehiyong matagal nang nakakaramdam ng pagkakalimutan ng gobyerno; ngunit para sa iba, ito ay isang mapanganib na panukala na maaaring magdulot ng pagkakahati-hati ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento