Advertisement

Responsive Advertisement

“LET'S HELP EACH OTHER, I NEED FRIENDS” PANGULONG MARCOS NANAWAGAN NG PAGKAKAISA BUKAS SA PAKIKIPAG-AYOS SA PAMILYANG DUTERT

Biyernes, Nobyembre 14, 2025

 




Sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng administrasyong Marcos at pamilyang Duterte, nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipag-ayos at makipagkasundo sa dating pangulo at sa kanyang pamilya.


Sa isang panayam, nang tanungin kung handa pa rin ba siyang makipagkasundo sa mga Duterte, malinaw at matatag niyang tugon: “Yes.”


"As much as possible, I’m after stability, peace, so we can be able to do our work. That’s why I’m always open to that… to any approach. Let’s help each other,” dagdag ng Pangulo.


Ayon sa Pangulo, hindi makatutulong sa bansa ang hidwaan at bangayan sa pagitan ng mga lider, lalo na sa panahon kung saan kailangan ang pagkakaisa para sa pag-angat ng ekonomiya.


Ipinaliwanag niya na ang kanyang layunin ay mapanatili ang katatagan at kapayapaan, hindi lamang sa gobyerno, kundi sa buong bansa.


“I don’t want trouble. I want everyone to get along, that would be better. I already have lots of enemies. I don’t need enemies, I need friends" - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Pinaalalahanan din niya ang lahat ng mga lider at opisyal na kahit may pagkakaiba sa pananaw sa pulitika, ang mahalaga ay ang pagganap ng tungkulin at ang pagsisilbi sa taumbayan. Ang pahayag ng Pangulo ay itinuturing ng mga eksperto bilang isang hakbang tungo sa paghilom ng lumalalim na hidwaan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya sa politika.


Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay isang malinaw na mensahe ng pagpapakumbaba at pagkakaisa, sa kabila ng mainit na pulitikal na hidwaan.


Sa kanyang panawagan, ipinapakita niyang mas mahalaga ang katatagan at pagkakaisa ng bansa kaysa sa personal na alitan o hidwaan sa pulitika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento