Advertisement

Responsive Advertisement

"MAS MAGAGALIT ANG TAO SA KANYANG PAGSISINUNGALING" MALACAÑANG NANININDIGANG KASINUNGALINGAN ANG PARATANG NI ZALDY CO SA PANGULO

Biyernes, Nobyembre 14, 2025

 



Malacañang nagAyon sa Palace Press Officer na si Atty. Claire Castro, inaasahan ng Malacañang na mas lalo lamang magagalit ang taumbayan kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co dahil sa mga paratang nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa isang pahayag sa media, sinabi ni Claire na hindi basta-basta naniniwala ang publiko sa mga akusasyong walang sapat na ebidensya, lalo na kung ito ay laban sa Pangulo na, aniya, ay patuloy na nagsisikap ayusin ang bansa sa gitna ng mga kontrobersiya at kalamidad.


“Mas magagalit raw ang tao kay Zaldy Co dahil sa mga paratang nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nakikita naman ng publiko kung sino ang nagtatrabaho at sino ang gumagawa ng ingay para lang pagtakpan ang sarili” -Atty. Claire Castro, Palace Press Officer


Dagdag pa ni Atty. Claire, malinaw umano na ang mga pahayag ni Zaldy Co ay may halong paninira at pagtatanggol sa sarili, matapos nitong isiwalat ang umano’y “P100 bilyong budget insertion” na iniuugnay sa Pangulo at sa dating Speaker Martin Romualdez.


Ayon kay Claire, ang mga dokumentong hawak ni Co ay hindi pa validated at maaaring produkto lamang ng personal o pampulitikang motibo.


Binigyang-diin ng Palasyo na ang Pangulo ay bukas sa imbestigasyon, ngunit hindi tatanggapin ang mga kasinungalingan na naglalayong pabagsakin ang gobyerno.


Sa social media, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya kay Zaldy Co, na una nang umamin sa pagkakasangkot sa flood control scandal, ngunit ngayon ay itinuturo naman ang Pangulo at ang dating Speaker bilang nag-utos umano ng insertion.


Ang pahayag ni Atty. Claire Castro ay malinaw na depensa ng Malacañang laban sa mga pahayag ni Zaldy Co na nagdudugtong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kontrobersyal na flood control scandal. Sa kabila ng patuloy na batikos at mga teorya, nananatiling matatag ang paninindigan ng Palasyo ang katotohanan lamang ang mananaig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento