Mariing tinutulan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang panukala ng kampo ni dating Ako Bicol Congressman Zaldy Co na payagan itong mag-house arrest habang nililitis ang kanyang kaso kaugnay ng bilyon-bilyong flood control scam. Tahasang sinabi ni Remulla na hindi katanggap-tanggap ang ganoong uri ng “privilehiyo” para sa isang taong inakusahan ng malawakang korapsyon.
“Kung gusto niyang patunayan na inosente siya, gawin niya sa loob ng kulungan." -Sec. Jonvic Remulla
Binigyang-diin ni Remulla na ang house arrest ay hindi naaayon sa prinsipyo ng patas na hustisya, lalo na kung ang kasong kinakaharap ay plunder o pandarambong, isang non-bailable offense sa ilalim ng batas.
Aniya, kung papayagan ito kay Co, magiging masamang ehemplo ito sa sistema ng hustisya, at posibleng gamitin ng iba pang mayayamang akusado sa hinaharap bilang precedent.
Ang matapang na pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla laban sa panukalang house arrest ni Zaldy Co ay malinaw na mensahe: walang sinuman ang higit sa batas. Habang patuloy ang imbestigasyon sa flood control anomaly, iginiit ni Remulla na ang hustisya ay hindi dapat nabibili o napagpapaliban.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento