Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG KAYONG MAGPAPADALA SA KANYA, MUKHANG MABAIT LANG YAN” ZALDY CO INILAGLAG SI SANDRO MARCOS SA P50.9-BILLON BUDGET INSERTIONS

Martes, Nobyembre 25, 2025

 


Umingay ang pangalan ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co matapos nitong inilaglag si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa umano’y ₱50.9 bilyong budget insertions sa loob ng tatlong taon.


Sa isang video na kumakalat online, sinabi ni Co na hindi lamang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may kinalaman sa mga umano’y anomalya sa pambansang pondo, kundi maging ang kanyang anak na si Sandro.


“Hindi lang po ang Pangulo ang may insertion sa budget. Pati po si Congressman Sandro Marcos, meron din pong pinapasok taon-taon. Huwag kayong magpapadala kay Sandro, mukhang mabait lang yan.” - Zaldy Co


Ayon kay Co, sa loob ng tatlong taon ay may sunod-sunod umanong malalaking halagang naipasok sa budget na pabor umano sa distrito ni Sandro Marcos:

₱9.636 bilyon noong 2023

₱20.174 bilyon noong 2024

₱21.127 bilyon noong 2025


Kabuuang ₱50.938 bilyon, ayon kay Co, ang tinutukoy niyang “personal insertions” na umano’y inaprubahan sa ilalim ng administrasyong Marcos. Giit ni Co, dapat umanong imbestigahan si Rep. Sandro Marcos kasama ng kanyang ama dahil pareho raw silang may direktang ugnayan sa mga flood control at infrastructure allocations na pinagdududahan ng publiko.


Ang pahayag ni Zaldy Co laban kay Sandro Marcos ay nagdagdag ng panibagong apoy sa kasalukuyang kontrobersiya ng flood control anomaly at budget insertions.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento