Sa gitna ng patuloy na batikos at kontrobersiya, Vice President Sara Duterte ay nagpahayag ng kanyang di matitinag na paninindigan na ipaglaban ang bayan hanggang sa huling sandali. Ayon sa kanya, ang pagiging lider ay hindi tungkol sa kapangyarihan, kundi sa pagsisilbi at sakripisyo.
“Deserve ng mga Pilipino ang tunay na lider malini at walang bisyo. Binibigay ko ang buhay at ang buong pagkatao ko sa bayan. Kung kailangan kong ialay ang sarili ko para sa kapakanan ng Pilipinas, gagawin ko” - VP Sara Duterte
Binigyang-diin ni Duterte na karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng lider na may paninindigan, disiplina, at walang bisyo. Ayon sa kanya, panahon na upang itaas muli ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno sa pamamagitan ng tunay na pamumuno at halimbawa ng integridad.
Idinagdag ni Duterte na ang kanyang paninindigan ay naka-ugat sa hangaring mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at disiplina sa bawat sulok ng bansa.
Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ay malinaw na mensahe ng dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan. Sa kabila ng mga batikos, pinili niyang ipakita ang tapang ng isang lider na handa isantabi ang sarili para sa kapakanan ng mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento