Sa gitna ng hagupit ng Bagyong Tino sa Cebu, umantig sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang pamilyang Cebuano na makikitang nasa bubong ng kanilang bahay habang kasama ang kanilang mga alagang aso.
Sa gitna ng rumaragasang baha, hindi nila iniwan ang kanilang mga alaga, isang tagpo na nagbigay inspirasyon at nagpaalala ng kahalagahan ng malasakit, hindi lamang sa kapwa-tao, kundi pati sa mga hayop.
Ayon sa uploader ng larawan, ang pamilya ay residente ng Barangay Bacayan, Cebu City, isa sa mga pinakaapektadong lugar ng pagbaha. Habang ang iba ay abala sa paglilikas ng mga gamit, pinili ng pamilyang ito na unahin ang kaligtasan ng kanilang tatlong alagang aso, kahit nangangahulugan ito ng pagtaas sa bubong upang makaligtas sa mabilis na pagtaas ng tubig.
Ang larawan ay agad na nag-viral sa social media at umani ng libo-libong komento at shares. Marami ang humanga sa katapangan at kabaitan ng pamilya, na nagsilbing paalala na sa oras ng sakuna, ang puso ng Pilipino ay tunay na mahabagin.
“kahit na tataranta na kami hindi parin namin nakalimutan yung mga alaga namin dahil parte narin sila ng pamilya. Hindi namin kayang iwan sila, kahit mahirap ang sitwasyon. Sila ang kasama namin araw-araw, kaya tungkulin namin silang protektahan” - family member
Ang kwento ng pamilyang Cebuano ay isang makabagbag-damdaming paalala na ang kabayanihan ay hindi nasusukat sa kayamanan, lakas, o katayuan sa buhay kundi sa puso at malasakit sa kapwa at sa mga hayop. Sa gitna ng sakuna, pinatunayan ng pamilya na ang tunay na pagmamahal ay walang pinipiling nilalang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento