Matapos ang matinding pagbaha sa Cebu dulot ng Bagyong Tino, iniutos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang malalimang imbestigasyon sa Monterazzas de Cebu, ang high-end residential project na pag-aari ng celebrity engineer na si Slater Young.
Ayon sa DENR Region VII, layunin ng imbestigasyon na alamin kung may pagkukulang sa environmental compliance ng proyekto at kung ang development ba ay nag-ambag sa mabilis na pag-agos ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa mga kalapit na komunidad, partikular sa Guadalupe, Banawa, at Bacayan.
Sa inilabas na pahayag ng ahensya, sinabi ng tagapagsalita ng DENR na maaaring may nilabag na environmental protection laws, gaya ng tamang water runoff control at slope stabilization.
“We are looking into whether the development followed all required permits and environmental safeguards. We owe the people of Cebu a clear and factual explanation,” ayon sa pahayag ng opisyal ng DENR.
Kasabay ng pagsisimula ng imbestigasyon, kumalat naman sa social media ang mga larawan nina Slater Young at ng kanyang asawa na si Kryz Uy sa isang paliparan sa ibang bansa, kung saan makikita silang tila nagmamadaling umalis.
Ayon sa mga netizens, napapanahon umano ang kanilang pag-alis kasabay ng pag-imbestiga ng DENR kaya’t marami ang nagtatanong kung may koneksyon ba ang kanilang biyahe sa isyung ito. Habang may mga umaalma, may ilan ding tagapagtanggol ang mag-asawa, na naniniwalang maaaring matagal nang nakaplano ang biyahe.
Habang patuloy ang imbestigasyon ng DENR sa Monterazzas de Cebu, nananatiling hati ang opinyon ng publiko may mga naniniwalang dapat managot si Slater Young kung mapatunayang may pagkukulang, habang ang iba nama’y nagtatanggol na dapat hintayin muna ang mga opisyal na resulta bago humusga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento