Advertisement

Responsive Advertisement

"WE JUST NEEDED TIME TO THINK AND TO BREATHE" SLATER YOUNG AT KRYZ UY NAKUNAN NG LITRATO HABANG NAGMAMADALI UMALIS NG BANSA MATAPOS ANG ISYU NG BAHA SA CEBU

Biyernes, Nobyembre 7, 2025

 



Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan nina Slater Young at ng kanyang asawa na si Kryz Uy na kuha umano ng isang netizen sa Mactan-Cebu International Airport, kung saan makikita ang mag-asawa na tila nagmamadaling umalis ng bansa.


Ayon sa nag-upload ng litrato, halata raw ang pagkabahala ng dalawa habang naglalakad papunta sa boarding gate. Bagama’t walang kumpirmadong detalye kung saan patungo ang mag-asawa, marami ang nagtanong kung may kaugnayan ba ang kanilang pag-alis sa kontrobersyang bumabalot sa proyekto nilang “The Rise at Monterazzas.”


Ang naturang proyekto ay nasasangkot ngayon sa matinding batikos matapos ang pagbaha sa Cebu dulot ng Bagyong Tino, kung saan ilang residente sa Guadalupe at kalapit na barangay ang nagdudugtong ng sanhi ng baha sa water runoff mula sa development site ng Monterazzas de Cebu.


Sa kabila ng mga lumalalang isyu at panawagan ng mga netizens, mananatiling tikom ang bibig ni Slater at Kryz sa kanilang social media accounts. Ilang tagahanga naman ang nagtatanggol sa kanila, sinasabing maaaring naglakbay lamang sila para sa isang business trip o matagal nang planadong bakasyon.


“We’re not running away from anything. We just needed time to think and to breathe. Alam naming maraming nagtatanong at may karapatan silang magtanong. In time, we’ll explain our side properly. Hindi kami tumatakbo gusto lang namin makahanap ng katahimikan kahit sandali.”


Ang biglaang pag-alis nina Slater Young at Kryz Uy ay nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa publiko may mga naniniwalang simpleng lakad lamang ito, habang ang iba nama’y nakakita ng “timing” na mahirap ipaliwanag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento