Sa isang matapang na pahayag, Naga City Mayor Leni Robredo ay nagsabing ang paglala ng problema sa ipinagbabawal na gamot sa Naga City ay nagsimula umano noong ipinatupad ng administrasyong Duterte ang Oplan Tokhang.
Ayon sa kanya, bago ang taong 2016, hindi ganoon kalala ang sitwasyon sa kanilang lungsod, at mismong mga taga-Naga raw ang makakapagpatunay nito.
“Halimbawa, ang problema sa Naga, lumala ’yan noong panahon nila. Hindi naman ’yan malaking problema dito sa atin dati, kayo ang makakapagpatunay. Noong mga 2016 onwards, lalong lumalala despite Tokhang,” - Mayor Leni Robredo
Ipinunto ni Robredo na ang malawakang operasyon ng Oplan Tokhang ay hindi naging sagot sa krisis, kundi lalo pang nagpalala sa sitwasyon. Aniya, imbes na matigil ang bentahan at paggamit ng iligal na droga, mas lalo itong kumalat at lumalim dahil sa takot at kawalan ng tiwala ng publiko sa mga awtoridad.
Naniniwala si Robredo na panahon na upang itama ang mga maling naging polisiya at magpokus sa rehabilitasyon at community programs imbes na karahasan. Ang pahayag ni Mayor Leni Robredo ay muling nagbukas ng usapan tungkol sa epektibidad ng war on drugs na inilunsad noong panahon ni dating Pangulong Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento