Sa gitna ng mga matinding batikos mula sa mga mamamayan ng Cebu matapos ang malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Tino, nanindigan si Slater Young, engineer at dating Pinoy Big Brother winner, na ligtas at maayos ang disenyo ng kanyang proyekto The Rise at Monterrazas.
Matapos muling mabatikos ang naturang high-end residential development na matatagpuan sa isang bundok sa lungsod, naglabas ng pahayag si Slater Young sa isang public video interview upang linawin ang isyu.
“This is just a small portion of the mountain,” ani ni Slater. “I wouldn’t have put my face on there if I didn’t believe in the project.”
Ayon kay Slater, bago sinimulan ang proyekto, dumaan ito sa masusing feasibility study, engineering design, at mga legal zoning requirements ng Cebu City. Aniya, bilang isang engineer, hindi siya papayag na maging bahagi ng anumang proyekto na maaaring magdulot ng panganib sa mga residente sa paligid.
“We followed every safety and environmental protocol required by the city. Ang goal namin ay magtayo ng sustainable community, hindi magdulot ng problema,” dagdag niya.
Ipinunto rin ni Slater na ang Monterrazas ay hindi responsable sa lahat ng pagbaha na naganap, at kailangang tingnan ng mga awtoridad ang kabuuang flood control system ng Cebu na matagal nang isyu sa lungsod.
Gayunman, nananatiling mainit ang diskusyon sa social media, kung saan ilang mga residente, partikular sa Barangay Guadalupe at Labangon, ay nanawagan ng masusing imbestigasyon sa epekto ng nasabing proyekto sa kanilang mga lugar.
“Hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko bilang developer at bilang Cebuano. Pero gusto kong maging malinaw, ginawa namin lahat para masiguro ang kaligtasan ng proyekto. Kung may kailangang baguhin, handa akong makipagtulungan. Pero sana, bago tayo humusga, pagtuunan muna natin ng pansin ang katotohanan at mga ebidensya.” -Slater Young
Sa kabila ng mga kontrobersya, nananatiling matatag at kalmado si Slater Young sa harap ng mga batikos. Ipinakita niya ang kanyang paninindigan bilang engineer at developer na may tiwala sa kalidad ng kanyang proyekto. Gayunpaman, hindi maikakaila na kailangan ng masusing imbestigasyon at open dialogue sa pagitan ng mga developer, lokal na pamahalaan, at mga residente upang masagot ang mga tanong ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento