Matapang na nagsalita si dating Congresswoman Pammy Zamora matapos ang balitang isinama umano si dating Speaker Martin Romualdez sa mga kasong may kaugnayan sa anomalya sa flood control at BiCam (Bicameral Conference Committee). Ayon kay Zamora, malinaw umano na hindi kasali si Romualdez sa BiCam deliberations, kaya’t nakapagtataka kung bakit siya ipinapasama sa reklamo.
“Una sa lahat, gusto ko lang sabihin he isn’t even part of the BiCam. So sana po, nilinaw muna nila kung ang kaso ba talaga ay tungkol sa BiCam o may ibang dahilan. Kasi kung wala siya doon, bakit siya kakasuhan?” - Former Cong. Pammy Zamora
Binigyang-diin ni Zamora na kailangang maging malinaw at makatarungan ang proseso ng pagsasampa ng kaso. Ayon sa kanya, hindi dapat basta-basta idinadamay ang mga pangalan ng opisyal kung wala namang konkretong ebidensya o direktang partisipasyon.
Ayon pa kay Zamora, ang Bicameral Conference Committee (BiCam) ay isang teknikal at legal na proseso ng Kongreso hindi lugar para sa pulitikal na bangayan o personal vendetta.
Sa gitna ng mga lumalaking isyu ng korapsyon at political finger-pointing, nanindigan si Former Congresswoman Pammy Zamora para sa katotohanan at patas na hustisya. Ang kanyang mensahe ay malinaw bago maglabas ng paratang, siguruhing may basehan at tamang impormasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento