Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI NA KAILANGANG DUMAAN PA SA BICAM KUNG MAY TOTAL CONTROL SIYA SA BUDGET" PING LACSON NILINAW NA HINDI DINEDEPENSAAN SI PANGULONG MARCOS

Sabado, Nobyembre 15, 2025

 



Hindi umano dinedepensahan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co kaugnay ng ₱100-bilyong flood control project anomaly. Ayon kay Lacson, hindi niya intensyong ipagtanggol ang Pangulo, ngunit may mga katanungang hindi tugma sa lohika ng paratang ni Zaldy Co.


“Kung may kakayahan at kontrol ang Pangulo sa National Expenditure Program (NEP), bakit pa siya mag-iinsert sa bicam?” - Sen. Ping Lacson


Ayon sa senador, wala siyang pinapanigan sa isyu, ngunit bilang dating mambabatas na kabisado ang proseso ng pambansang budget, hindi raw makatuwiran ang sinasabi ni Co. Ipinaliwanag ni Lacson na kung totoo man ang sinasabing “₱100 billion insertion,” dapat ay naidagdag na ito sa NEP pa lamang at hindi na kailangang idaan sa bicameral conference committee (bicam).


“Kung gusto niya talaga ng ₱100 billion sa DPWH, sa NEP pa lang, puwede na niyang ipasok. Hindi na kailangang dumaan pa sa bicam kung may total control siya sa budget,” paliwanag ni Lacson.


Nilinaw pa ng senador na ang bicam ay ang huling bahagi ng proseso bago maging batas ang pambansang budget. Kaya kung totoo man ang sinasabing “presidential insertion” ni Co, dapat ay hindi na ito ive-veto ni Marcos.


Giit ng senador, ang pinakamahalaga sa ngayon ay ang pagharap ni Zaldy Co sa ilalim ng panunumpa. Giit ng senador, ang pinakamahalaga sa ngayon ay ang pagharap ni Zaldy Co sa ilalim ng panunumpa. Tulad ng nauna niyang sinabi, ang mga salaysay sa social media ay walang legal na bigat hangga’t hindi ito isinasailalim sa formal testimony.


Sa kabila ng patuloy na bangayan sa politika, nananatiling kalma at analitiko ang posisyon ni Senador Ping Lacson. Para sa kanya, hindi sapat ang mga pahayag ni Zaldy Co sa social media para hatulan ang Pangulo, ang kailangan ay ebidensya at panunumpa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento