Advertisement

Responsive Advertisement

DARRYL YAP BINUWELTAHAN SI SEN. KIKO PANGILINAN SA KANYANG STATEMENT NA ANG PINKLAWAN AY NAGMAMASID: “ANG MGA NAGMAMASID NAKAWAN AY KASABWAT, LOOK OUT PO TAWAG DYAN”

Biyernes, Nobyembre 21, 2025

 



Nagbigay ng matapang at diretsahang pahayag ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos ang komento ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na, “Hindi kami nananahimik, nagmamasid kami.”


Sa kanyang tugon, sinabi ni Yap na ang pananahimik at pagmamasid sa gitna ng mali ay hindi kabayanihan, kundi pakikisangkot.


“Sana po nanahimik na lang, kasi yung nagmamasid po sa nakawan, kasabwat po. Ang tawag po sa inyo ay lookout.” - Darryl Yap


Ayon kay Yap, ang tahimik na pagtingin sa katiwalian ay isang uri ng pagkunsinti. Ipinunto niya na kung totoong mahal ng isang tao ang bayan, hindi ito mananahimik sa mga maling gawain kahit pa galing ito sa kaalyado o kapartido.


Giit ni Yap, ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa ay nangangailangan ng mga taong handang kumilos, hindi lang manood. Aniya, mas mainam ang totoong oposisyon na may aksyon kaysa sa mga nagmamamasid lang sa gilid para maghintay ng pagkakamali.


Ang banggaan ng pananaw nina Darryl Yap at Sen. Kiko Pangilinan ay muling nagpaalala sa publiko ng isang simpleng aral: Ang pananahimik sa gitna ng mali ay hindi pagiging neutral ito ay pagkunsinti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento