Nag-ingay muli ang social media matapos maglabas ng post ang beteranong aktor na Gardo Versoza, na tila may patama sa kontrobersyal na isyu ng pagbaha sa Cebu na inuugnay sa Monterrazas de Cebu project ni Slater Young.
Sa kanyang Facebook at Instagram post, nagbahagi si Gardo ng maikling pero matalim na mensahe na agad nagpaalab ng diskusyon online.
“Basta marangya ang buhay nila, wala na silang pakialam sa iba ” -Gardo Versoza
Bagama’t walang binanggit na pangalan ang aktor, malinaw sa maraming netizens na patama ito sa mga mayayamang developer at personalidad na konektado sa mga proyektong sinasabing nakaapekto sa daloy ng tubig at naging sanhi ng matinding baha sa lungsod ng Cebu matapos ang Bagyong Tino.
Matapos ilabas ni Gardo ang post, agad itong umani ng libo-libong reaksyon at komento. Maraming netizens ang sumang-ayon sa aktor, pinupuri siya sa pagiging matapang at sa paninindigang ipaglaban ang masa.
Ngunit may ilan din ang umapela ng patas na pagtingin sa isyu, pinagtatanggol si Slater Young at sinabing hindi dapat agad husgahan nang walang sapat na ebidensya.
Ang naging pahayag ni Gardo Versoza ay nagsilbing panibagong boses sa gitna ng tumitinding isyu sa Cebu floods. Bagama’t hindi malinaw kung si Slater Young nga ang tinutukoy, nagbigay ito ng mas malawak na diskusyon tungkol sa responsibilidad ng mga nasa posisyon at pribilehiyo sa mga proyektong may malaking epekto sa kalikasan at komunidad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento