Matapang na pinaalalahanan ni Atty. Claire Castro si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co matapos nitong ibato ang serye ng mabibigat na akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa anak nito na si Rep. Sandro Marcos kaugnay ng umano’y bilyon-bilyong budget insertions. Sa isang panayam, iginiit ni Castro na wala sa lugar ang mga pahayag ni Co, lalo pa’t si Marcos mismo ang nagtalaga sa kanya bilang Chairperson ng House Committee on Appropriations.
“Baka nakalimutan mo kung sino ang nag-appoint sa’yo sa puwesto mo noon" -Atty. Claire Castro
Kamakailan ay muling naglabas ng Pasabot ni Zaldy Co a administrasyon ni Pangulong Marcos, matapos niyang akusahan ang ama’t anak na may kinalaman umano sa ₱50.9 bilyong budget insertions. Ngunit ayon kay Atty. Castro, taliwas sa ginagawa ni Co, mas nararapat na humarap ito sa mga kasong kinakaharap niya sa halip na manisi ng iba.
Dagdag pa ni Castro, isang uri ng kabastusan at kawalan ng respeto ang ginawa ni Co laban sa Pangulo at sa kanyang pamilya. Ang matapang na paninindigan ni Atty. Claire Castro ay sumasalamin sa panawagan para sa respeto, katapatan, at utang na loob sa mundo ng pulitika.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento