Muling naging emosyonal ang aktres at influencer na si Awra Briguela matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin tungkol sa mga taong patuloy na nanghuhusga sa kanya at hindi tanggap ang totoong pagkatao niya.
Ayon sa kanya, masakit na madalas ay hinuhusgahan siya base sa panlabas na imahe ngunit walang nakakaalam ng tunay niyang pinagdadaanan.
“Tanggap ko sarili ko, tanggap din ng pamilya ko kung ano ako. Sana matanggap niyo kung ano ako.” - Awra Briguela
“Hindi ko kailangang patunayan sa lahat ang kabutihan ko. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong tinatapakang tao, sapat na ‘yon,” dagdag nito.
Aminado si Awra na nasasaktan siya sa mga mapanghusgang salita ng ibang tao lalo na sa social media. Aniya, hindi madali ang maging totoo sa sarili lalo na sa isang lipunang mabilis manghusga at mahilig gumawa ng kwento.
Sa mga panahong tila lahat ay laban sa kanya, ibinahagi ng aktres na mas pinipili niyang manahimik kaysa makipagpalitan ng masasakit na salita. Ngunit ngayon, gusto niyang ipaalala sa lahat na may limitasyon din ang katahimikan ng isang tao.
Sa kabila ng lahat ng pambabatikos, sinabi ni Awra na natutunan na niyang huwag ipilit ang sarili sa mga taong hindi marunong umunawa. Mas pinili raw niyang magpakatotoo at manatiling mabuti kahit na iba ang tingin sa kanya ng iba.
Sa huli, pinili ni Awra na patawarin na lamang ang mga taong patuloy na bumabatikos sa kanya. Para sa kanya, mas mahalaga ang kapayapaan ng isip kaysa patuloy na labanan ang mga negatibong komento.
Sa panahon ngayon na madali para sa iba ang manghusga base sa social media, paalala ni Awra na ang bawat tao ay may sariling laban at kwento.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento