Nag-viral online ang palitan ng pahayag sa pagitan ng komedyanteng si Allan K at aktor na si Anjo Yllana, matapos magpahayag si Anjo ng kanyang intensyon na tumakbo sa Senado sa darating na halalan.
Sa isang panayam, buong kumpiyansang sinabi ni Anjo na siya ay magiging isa sa mga “honest” na senador sakaling siya ay manalo ngunit tila hindi ito nagustuhan ni Allan K, na agad nagbigay ng matalim na tugon.
“Kapag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madadagdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako.” - Anjo Yllana
Hindi nagpatinag si Allan K at sinagot ito ng diretso at walang paligoy-ligoy: “Wag ka nang dumagdag sa sakit ng ulo ng mga Pilipino.” - Allan K
Hindi nakapigil si Allan K na maglabas ng saloobin sa isyung ito. Sa isang maikli ngunit matalim na komento, sinabi niyang hindi lahat ng artista ay dapat tumakbo sa gobyerno, lalo na kung kulang sa kaalaman at karanasan sa paggawa ng batas.
“Mahirap na, baka maging joke na naman ang Senado. Ang dami na nating problema, ‘wag na tayong magdagdag pa.” -Allan K
Nag-viral ang pahayag ni Allan K at umani ng papuri mula sa mga netizens na sumasang-ayon sa kanyang punto. Ang banggaan ng pahayag nina Allan K at Anjo Yllana ay nagpakita ng malalim na isyung panlipunan kung sino nga ba ang karapat-dapat humawak ng posisyon sa gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento