Advertisement

Responsive Advertisement

CARLA ABELLANA, NAPA-REACT SA MGA LUXURY CARS NG MAG-ASAWANG DISCAYA: “SA KANILA PALA ‘YUN!”

Lunes, Setyembre 1, 2025

 



Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang magbigay ng reaksyon nang malaman niyang pagmamay-ari pala ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ang ilang mamahaling luxury cars na matagal na niyang napansin.


"Hindi ko mapigilang mag-react kasi minsan ko na silang nakita at ngayon lang nakumpirma na kanila pala ‘yung mga sasakyan. Bilang mamamayan, karapatan nating magtanong at maging mapanuri, lalo na kung may kinalaman ito sa mga isyung pampubliko."


Ayon kay Carla, minsan na niyang nakita ang mismong gusali sa Pasig kung saan nakapark ang mga magagarbong sasakyan. Ani niya: “Ah, sa kanila pala lahat ‘yun! Nag-taping na kami sa building na ‘yan sa Pasig!”


Sa kanyang Instagram story nitong Lunes, nag-post ang aktres ng screenshot mula sa panayam ni Julius Babao sa mga Discaya noong Setyembre 2024. Sa nasabing screenshot, mababasa ang titulong “Luxury Car Haul with Sarah and Curlee Discaya” na tampok ang dalawang Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng ₱16 milyon bawat isa.


Dagdag pa ng aktres, hindi na raw siya nagtaka kung saan nanggaling ang mga nasabing ari-arian. “And I was like, ‘parang alam ko na kung ano ang ‘business’ ng may-ari nitong mga ‘to,’” ani pa niya.


Kilala si Carla bilang “Patron Saint of Concerned Citizens” dahil sa kanyang pagiging mapanuri at pagiging bukas sa pagbibigay ng komento sa mga isyung hinaharap ng bansa.


Samantala, muling naging laman ng balita ang mga Discaya matapos maisama ang kanilang kumpanya sa listahan ng Top 15 flood control contractors ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na iniulat mismo kay Pangulong Bongbong Marcos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento