Advertisement

Responsive Advertisement

ARJO ATAYDE, MARIING ITINANGGI ANG PAGKAKASANGKOT SA MGA PROYEKTO NG MGA DISCAYA: "I HAVE NEVER DEALT WITH THEM"

Lunes, Setyembre 8, 2025

 



Isa si Quezon City Rep. Arjo Atayde sa mga pangalan na lumabas sa Senate hearing matapos banggitin ng pamilyang Discaya na umano’y may kinalaman siya sa hindi bababa sa 20% ng mga proyekto ng DPWH. Agad naman itong pinabulaanan ng kongresista at naglabas ng matibay na pahayag upang linawin ang isyu.


"Hindi ako kailanman nakipagtransaksyon sa mga Discaya o sa kahit anong contractor. Ang tanging hangarin ko bilang lingkod-bayan ay maglingkod nang may integridad. Hindi ko hahayaang dungisan ang pangalan ko ng maling akusasyon." -Arjo Atayde 


Ayon kay Atayde, hindi kailanman nagkaroon ng ugnayan ang kanyang pangalan sa anumang contractor at walang katotohanan ang mga paratang. “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito,” mariin niyang sinabi.


Dagdag pa niya, hindi niya kailanman ginamit ang kanyang posisyon para sa pansariling kapakinabangan. “I have never used my position for personal gain. And I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”


Ang isyung ito ay naging sentro ng diskusyon sa social media at mga balitaan, dahil kasunod ito ng mga lumalabas na alegasyon ng katiwalian at anomalya sa mga flood control projects ng DPWH.


Ang pagkakadawit ng pangalan ni Rep. Arjo Atayde sa Senate hearing ay nagdagdag ng init sa usapin ng anomalya sa mga flood control projects. Ngunit sa kanyang mariing pagtanggi, ipinakita niya ang kanyang determinasyon na ipaglaban ang kanyang pangalan at reputasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento