Tahimik man sa isyu ng boycott ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, pero mukhang may inihahanda itong pambaon na siguradong ikabubulaga ng kanyang mga basher. Sa gitna ng patuloy na panawagan ng ilan na i-boycott ang mga produkto at brand na kanyang ineendorso, may bagong tsismis na tiyak magpapatahimik sa mga kritiko ni Meme Vice.
“Hayaan ko na lang silang magsalita. Mas pipiliin kong ipakita ang sagot sa pamamagitan ng trabaho at blessings na dumarating. Masarap manahimik, tapos biglang mabulaga sila.” -Vice Ganda
Ayon sa isang source, hindi raw basta-basta ang susunod na lalabas na commercial ni Vice. Ito raw ay mula sa isa sa mga produkto na matagal na niyang ineendorso at muli siyang kinuha para gumawa ng panibagong campaign.
“Bawal pa kasing sabihin kung anong produkto, pero dati na niyang endorsement ‘yon. Sa kabila ng boycott issue, ginawa pa siya ng bagong commercial!” ayon sa source.
Ibig sabihin, kahit pilit siyang i-down ng kanyang mga kritiko, nananatiling buo ang tiwala sa kanya ng mga kumpanya. At ito nga ang posibleng "mic drop moment" ni Vice laban sa mga nang-iintriga.
Hindi lamang endorsements ang pinaghahandaan ni Vice. Tuloy-tuloy din ang kanyang shooting kasama si Nadine Samonte para sa kanilang pelikulang “Call Me Mother”, official entry sa darating na Manila Film Festival 2025.
Excited na excited umano ang komedyante-actor na gawin ang proyekto, kahit nangangahulugan ito na mas madalas siyang mawawala sa noontime show na It’s Showtime.
Sa kabila ng mga paninira at panawagan ng boycott laban kay Vice Ganda, nananatili siyang matatag. Ang kanyang mga proyekto—mula sa endorsements hanggang sa pelikula—ay patunay na hindi basta-basta magigiba ang isang artistang may matibay na suporta mula sa kanyang fans at mga kumpanyang naniniwala sa kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento