Advertisement

Responsive Advertisement

BASTE DUTERTE, HANDA SA REMATCH VS TORRE: ‘MATAGAL KO NANG GUSTONG MAKABUGBOG NG UNGGOY!"

Lunes, Hulyo 28, 2025

 



Hindi umatras sa hamon si Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos ulitin ang kanyang kahandaan na makipagsagupaan kay PNP Chief Brig. Gen. Nicolas Torre III sa isang boxing match. Sa bagong episode ng kanyang online show na Basta Dabawenyo, diretsahan niyang sinabi na game siya para sa rematch, ngunit ayaw niya itong gawin tuwing Linggo.


“Family day ang Linggo, ‘di ako puwede. So kung gusto mo talaga, dalawa lang ‘yan. Either puntahan kita, tayong dalawa, magsama ka lang ng bodyguard mo para ‘pag may nangyari sa ’yo, at least may magdala pa sa ’yo sa ospital. Suntukan tayo, walang gloves,” ani Baste.


Hindi rin nagustuhan ni Baste ang ideya ng charity boxing na isinasama sa isyu.


“Papalagan ko ‘yang charity-charity mo na ‘yan. So, ‘wag lang Sunday. Lipat mo ng araw, then kung papayag ka sa kondisyon ko, walang problema!” dagdag niya.


Sinabi pa ng acting mayor na handa siyang lumaban simula Martes at binanggit pa ang kanyang matinding determinasyon.


“Huwag kang mag-alala, Torre. Matagal ko na talagang gustong makabugbog ng unggoy!” dagdag ni Baste.


Ngunit ilang araw bago ang dapat na rematch, lumipad si Baste Duterte papuntang Singapore kasama ang kanyang pamilya, ayon sa kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). May ulat din na maaaring susunod na destinasyon ni Baste ang The Hague, Netherlands, kung saan nakakulong ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kaso ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs.


Hindi ito ang unang pagkakataon na may hamon na ibinato ang pamilyang Duterte ngunit hindi natuloy. Noong Mayo 2021, hinamon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa debate tungkol sa South China Sea, ngunit umatras din kalaunan at ipinasa ang laban sa kanyang tagapagsalita na si Harry Roque.


Ang rematch na inaasahan ng publiko ay tila naging mas mainit sa salita kaysa sa aktwal na laban. Handa raw si Baste Duterte na makipagsuntukan kay Gen. Torre III, ngunit ang kanyang mga kondisyon at biglaang pag-alis ng bansa ay nagdudulot ng duda kung matutuloy pa ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento