Ibinahagi ng aktres at content creator na si Zeinab Harake sa kanyang Facebook page ang isang makulit pero nakakataba ng pusong kwento tungkol sa kanyang asawang si Bobby Ray Parks Jr.
“Hindi lahat ng oras nasa ayos ka. Pero kapag may asawa kang andiyan para alagaan ka kahit nasa worst ka, alam mong tama ang taong pinili mo. Salamat, Love.” -Zeinab
Ayon kay Zeinab, matapos siyang umuwi ng lasing na lasing mula sa isang event kung saan nag-shoot siya ng “One Shot, One Makeup Challenge,” si Bobby raw ang nag-alaga at nagbantay sa kanya. Hindi raw siya pinagalitan o pinagsabihan kahit pa nagkalat siya at suka ng suka buong gabi.
“Nag shoot ako ng One Shot One Makeup challenge, umuwi ng lasing na lasing at suka ng suka, wala akong narinig na kahit ano sa asawa ko. Siya din nagpaligo at nag-alaga sakin hanggang makatulog ako. Napaka-swerte kong misis,” saad ni Zeinab.
Marami ang na-touch sa post ni Zeinab, dahil ipinakita raw nito ang tunay na pagmamahal at pasensya ng isang asawa. Hindi lamang kapag okay ang lahat, kundi lalo na kapag wala ka sa ayos o mahina ka.
Makikita sa video clip na kalmado at maingat si Bobby Ray habang inaalalayan si Zeinab.
Ang kwento nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. ay simpleng paalala sa lahat ng mag-asawa at magkarelasyon:
Ang tunay na pagmamahal ay nasusubok hindi lang sa magagandang pagkakataon, kundi lalo na sa mga mahirap at awkward na sandali.
Sa dulo, mas mahalaga ang taong hindi lang maganda ang ngiti sa picture, kundi ang taong kayang mag-alaga at magpatawad sa’yo sa oras na ikaw mismo, hindi mo na maalagaan ang sarili mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento