Naglabas ng emosyonal na pahayag si Euleen Castro, na mas kilala online bilang "Pambansang Yobab", matapos siyang makatanggap ng sunod-sunod na pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa isang viral na food review sa isang coffee shop sa Iloilo.
“Hindi ko po hangad ang gulo o drama. Gusto ko lang pong magpakatotoo, pero natutunan ko na rin po kung paano maging mas maingat sa susunod,” pagtatapos ni Euleen.
Sa kanyang pinakabagong YouTube video, nilinaw ni Euleen ang kanyang panig at pinawi ang ilang mga maling akala na nabuo mula sa kanyang content.
“Hindi ko sinabing huwag puntahan. Hindi ko sinabing magsara kayo,” ani ni Euleen habang pilit na pinapaliwanag ang nilalaman ng kanyang kontrobersyal na review.
Ayon sa kanya, wala siyang intensyon na manira ng negosyo o mang-insulto ng kahit sinong staff ng café.
“Hindi ko po minura ‘yung pagkain, ‘yung staff, ‘yung café. Wala akong minura. Expression ko lang talaga ‘yon,” dagdag pa niya.
Aminado si Euleen na posibleng hindi agad naunawaan ng iba ang istilo ng kanyang pagpapatawa, dahilan kung bakit naging masakit ito sa ilan.
“Gets ko po sa mga hindi nakaka-gets ng humor ko. Naiintindihan ko po ‘yung frustration na naramdaman n’yo,” sabi niya.
Nilinaw rin niya na hindi niya layuning makapanakit ng damdamin, at kung nasaktan man ang ibang nanood ay humihingi siya ng paumanhin.
“Tama na po. Okay na po. Natuto na po ako,” ang kanyang pag-amin habang sinusubukang ipakitang bukas siya sa pagkakamali at pag-unlad bilang content creator.
Sa kabila ng matinding online backlash, pinili ni Euleen Castro na harapin ang isyu sa paraang bukas at mapagpakumbaba. Hindi man sapat para sa ilan ang kanyang paliwanag, ipinakita niya na handa siyang tumanggap ng puna at matuto mula rito.
Ang insidenteng ito ay paalala rin sa lahat — na ang pagpapahayag ng opinyon sa social media ay may kaakibat na responsibilidad. Ngunit sa parehong paraan, nararapat din nating bigyan ng pagkakataon ang sinumang taong nais magpaliwanag at ayusin ang pagkakamali.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento