Advertisement

Responsive Advertisement

RENDON LABADOR SUMABOG KAY PAMBANSANG YOBAB, "MAG-GYM KA NA LANG, PAKAININ KITA NG DUMBBELLS"

Linggo, Hunyo 1, 2025


 

Nagbabagang sagutan sa social media ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizen matapos tirahin ni fitness influencer Rendon Labador si Euleen Castro, na mas kilala bilang “Pambansang Yobab,” dahil sa mapanirang review nito sa isang lokal na coffee shop sa Iloilo.


Sa viral TikTok video ni Yobab, binatikos niya ang Coffeebreak Cafe, isang kilalang local brand sa Iloilo, matapos umano nilang malasahan ang mga pagkain doon.


“Nag-try kami dito sa Coffeebreak… Walang masarap. Lahat tab-ang… Ang dami n’yo diyan, walang masarap sa inyo? Ni isa? P*ta,” ani Yobab sa video.


Ang naturang review ay agad nag-viral at umani ng matinding reaksyon mula sa publiko, pati na rin mula sa mismong café at maging sa mga lokal na opisyal.


Hindi pinalampas ni Rendon Labador ang isyu at naglabas ng matapang na opinyon sa kanyang Facebook account.


“Mag-gym ka na lang, pakainin kita ng dumbbells!” — Rendon Labador


“Hindi ko sinasabing huwag kayong mag-review. Pero sana, may respeto. May konsensya. Lalo na kung hindi niyo alam kung gaano kahirap magpatakbo ng negosyo. Kung may problema sa lasa, sabihin ng maayos. Hindi ‘yung parang nagmumura ka sa kalsada.”


Aniya, hindi rason ang kampanya kontra body shaming para pagtakpan ang bastos at mapanirang asal.


“Paalala po: Hindi ginawa yung ‘no to body shaming’ para makaligtas po kayo sa mga katangahan ninyo. Iayon sana natin palagi yung ugali natin sa mga itsura natin,” ani Rendon.


Dinagdag pa niya na mas dapat bigyang respeto ang mga negosyanteng nagsusumikap makapagsurvive lalo na sa hirap ng panahon.


“Ang hirap magtayo at magpatakbo ng negosyo, tapos sisiraan mo lang sa isang video na parang joke lang? Kawawa ang may-ari at mga empleyado,” giit niya.


Binigyang-diin din ni Rendon na hindi problema ang lasa kundi ang paraan ng paghahatid ng opinyon, na para sa kanya ay walang respeto at puno ng mura.


Naglabas din ng pahayag ang Coffeebreak Café sa kanilang Facebook:


“We appreciate all feedback, as it helps us learn and improve. However, we were taken aback by the strong and explicit language used in your review... Constructive criticism can always be communicated respectfully.”


Ang nangyaring isyu sa pagitan nina Rendon Labador at Yobab ay sumasalamin sa makapangyarihang epekto ng social media. Oo, karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinyon—pero may responsibilidad tayong lahat na siguraduhing hindi tayo nakasisira ng ibang tao, negosyo, o reputasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento