Advertisement

Responsive Advertisement

"PINAGHIRAPAN KO ‘YUN", ESTUDYANTE MUNTIKAN NG HINDI MAKA-GRADUATE DAHIL LANG SA SAPATOS

Linggo, Hunyo 15, 2025


 

Ang graduation ay isa sa pinakamalaking milestone sa buhay ng isang estudyante — ngunit para kay Cybelle Rio Jhane Hembra, isang BS Secondary Education major in Science graduate mula sa West Visayas State University (WVSU), ang inaasahang pinakamasayang araw ng kanyang buhay ay nauwi sa tensyon, luha, at pangamba — lahat dahil lang sa kanyang sapatos.


“Pinaghirapan ko ang sapatos na ‘yun. Nagtrabaho ako para mabili ‘yon. Hindi ko akalaing sapatos ang sisira sa araw na pinakahinintay ko.”

“Hindi ko naman alam na yung dapat ay masaya kong graduation ay masisira pala ng sapatos na pinaghirapan ko.” -Cybelle


Sa isang viral Facebook post, ikinuwento ni Cybelle kung paano siya muntik hindi makagraduate matapos siyang paulit-ulit na harangin ng mga marshal sa venue, ang Iloilo Convention Center (ICON), dahil sa umano’y ‘maling sapatos.’


Ayon kay Cybelle, sinita siya sa lobby dahil may strap ang kanyang itim na sapatos, kahit pa ito ay closed shoes na may 1.5 inches na takong — eksaktong naaayon sa tanging paalalang ibinigay ng paaralan.


“Walang sinabi kung bawal ang strap. Ang malinaw lang ay dapat black closed shoes with at least 1.5-inch heels,” ani niya.


Hindi lang siya ang nadamay — may iba pang graduates na pinigilan dahil sa open backs, ribbon designs, o silver accents sa kanilang sapatos.


Naiyak na lang si Cybelle habang sinusubukang makiusap. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nakapasok din siya muli sa venue, pero hindi na nakapasok ang kanyang ina dahil itinuring silang latecomers.


“Ang nanay ko, hindi na nakapasok. 'Yung araw na sana ay para sa kanya rin, nawala,” malungkot niyang sabi.


Dahil walang ibang sapatos, sinubukan niyang tanggalin ang strap ng sapatos niya, pero muling pinigilan. Sa kabutihang-palad, isang kaklase na tapos nang umakyat ng entablado ang nagpa-hiram ng sapatos, at doon lang siya tuluyang pinayagang makilahok.


Sa isang makabagbag-damdaming kwento, ipinaalala sa atin ni Cybelle na ang mga patakaran, lalo na sa mga importanteng okasyon gaya ng graduation, ay dapat malinaw, makatao, at may konsiderasyon. Sapatos man ang naging isyu, ang tunay na sugat ay nasa damdamin ng mga estudyanteng pinaghirapan ang kanilang edukasyon — ngunit napahiya, napagdamutan, at muntik mawalan ng pagkakataong ipagdiwang ito kasama ang kanilang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento