Advertisement

Responsive Advertisement

QUEEN HERA, NAGBIGAY BABALA SA MGA MAGULANG MATAPOS MADISKUBRENG IBINENTA ANG LARAWAN NG ANAK SA INTERNET

Linggo, Hunyo 15, 2025


 

Lubos ang pagkabigla at dalamhati ng content creator at entrepreneur na si Queen Hera matapos niyang malaman na ang larawan ng kanyang anak ay lumabas umano sa isang website sa dark web na ginagamit umano para sa mga iligal at mapang-abusong layunin.


“Ang bata-bata pa ng anak ko kung nakikita n’yo. Please mga mommies, stop posting videos o kahit picture ng anak niyo,” ani ni Hera habang umiiyak.

“Nakita ko picture ng anak ko, nasa website, binebenta.”


Sa isang emosyonal na video na kumalat online, ikinuwento ni Hera kung paano siya naalarma at naiyak matapos siyang sabihan ng ilang netizens tungkol sa isang website na tinatawag na "PDFile" — isang umano’y online platform kung saan ibinabahagi at binebenta ang mga larawan ng mga bata sa mga adult male users.


Aminado si Hera na hindi niya kailanman inakala na ang isang inosenteng larawan ay maaaring magamit sa ganitong kasuklam-suklam na paraan. Lalo pa siyang nababahala dahil maaaring may iba pang magulang na hindi alam na ginagamit na ang mga litrato ng kanilang anak para sa maling layunin.


“Marami pang ibang pamilya ang maaaring ni hindi alam. Kaya ngayon pa lang, please stop posting pictures of your children, lalo na kung baby pa o menor de edad.”


Hindi pa tiyak kung may opisyal nang imbestigasyon na isinasagawa tungkol sa nasabing website, ngunit ang panawagan ni Hera ay umalingawngaw at mabilis na kumalat sa mga parenting groups at social media platforms.


Sa panahong halos lahat ay ibinabahagi online, hindi na ligtas maging ang inosenteng larawan ng isang bata. Ang kwento ni Queen Hera ay isang malakas na paalala sa mga magulang na maging mas mapanuri, mas maingat, at mas responsable sa pagbabahagi ng larawan ng kanilang mga anak sa social media.


Ang pagprotekta sa ating mga anak ay hindi lang sa totoong buhay—dapat kasama na rin ang online world.

Sa huli, gaya ng sinabi ni Hera:


“Hindi lahat ng cute photo ay dapat ipost. ‘Wag nating hayaang gamitin ito ng masasamang tao.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento