Advertisement

Responsive Advertisement

"PARTE TALAGA ‘YAN NG TRABAHO NAMIN" GABBY EIGENMANN NASUGATAN SA TAPING NG "SANGGRE", KAILANGANG TAHIIN

Linggo, Hunyo 15, 2025

 



Hindi inaasahan ni Gabby Eigenmann na mapapasabak siya sa tunay na “action” habang kinukunan ang isang fight scene para sa upcoming GMA fantasy series na "Encantadia Chronicles: Sang’gre."


Sa eksklusibong panayam, ibinahagi ni Gabby na nagtamo siya ng hiwa sa noo malapit sa kilay matapos tamaan ng props na espada sa isang intense na eksena kasama ang kanyang female co-star.


“Sa isang fight scene ko, meron kaming routine na ginawa. Pagtapat ng espada namin, dapat maghihiwalay, eh, pero nadulas! Tumama sa akin—sa noo, malapit sa kilay. Kailangan siyang tahiin. Four stitches sa eyebrows.”


Ayon kay Gabby, pareho na silang pagod ng kanyang kaeksena kaya’t nagkaroon ng miscoordination sa choreography ng kanilang labanan.


“I can’t blame naman ‘yung ka-fight scene ko kasi pagod, she’s a girl. Kahit ako, pagod na rin ako. Nangyayari talaga ‘yan.”


Agad siyang tinignan ng medic team sa set, at inakala niyang madadaan lang sa simpleng band-aid ang sugat.


“Akala namin ididikit lang. Pero nung nakita nila, sabi, ‘Naku, kailangan dalhin. Bukas ang sugat.’ Kaya ayun, napatahi ako ng apat.”


Matapos ang insidente, agad na humingi ng tawad ang aktres na nakatama sa kanya, at ipinakita ang kanyang sinserong paghingi ng tawad kinabukasan.


“Super sorry siya after the scene. Naiintindihan ko naman kasi aksidente ‘yun. The next day, pinadalhan ako ng something... naibsan! At ang sarap!”


Sa kabila ng minor injury, nagpakita ng propesyonalismo si Gabby Eigenmann sa pagharap sa hindi inaasahang insidente. Ipinakita niya na sa likod ng mga mala-fantasyang eksena sa telebisyon, may tunay na hirap at sakripisyo ang bawat aktor. At higit sa lahat, ang respeto sa katrabaho at malasakit sa trabaho ang tunay na sandata ng isang batikang artista.


“Hindi ko siya masisisi. Parte talaga ‘yan ng trabaho namin. Ang importante, nagkaayos kami at nagtulungan kami para makabalik agad sa set,” — Gabby Eigenmann

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento