Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ni Zeinab Harake tungkol sa hindi pag-imbita sa kanyang ina sa kasal nila ni Bobby Ray Parks Jr., nagsalita na ang dating partner nito at ama ng kanyang anak na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa totoong buhay.
Sa isang social media post, nagparinig si Skusta Clee sa mga nagtatanong sa kanya kung ano ang kanyang saloobin ukol sa isyu sa pagitan ni Zeinab at ng kanyang ina. Sa halip na direktang sagutin, nag-iwan siya ng pasimpleng pahayag na tila may bahid ng sarcasm:
“Ang sagot ko d’yan, may magulang ako, at para lang sa mahihinang ulo lang yung pumapatol. Okay? Okay! Pi paders deyyyyy.”
Kasabay nito, nag-post rin si Skusta ng larawan kasama ang isang bata, kalakip ang caption na:
“Happy pops day y’all.”
Ang bata sa larawan ay si Bia, ang anak niya kay Zeinab.
Sa simpleng sagot ni Skusta Clee, makikitang pinili niyang hindi palakihin pa ang isyu — ngunit sa tono ng kanyang mensahe, tila may banat sa mga taong nadadamay o pumapansin sa isyu ng kanyang dating partner. Sa kabila nito, mas pinili ni Skusta na i-focus ang araw sa pagiging ama niya kay Bia, na siyang mahalaga sa kanya.
“Ayoko nang makisali sa gulo na hindi ko parte. Basta ako, may magulang ako at may anak akong mahal. 'Yun ang importante sa akin,” — Skusta Clee
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento