Nagpakita ng kahanga-hangang maturity at respeto si Cesar Montano nang kumpirmahin niyang suportado niya ang relasyon ng dating asawang si Sunshine Cruz kay businessman Atong Ang.
Sa panayam ni Julius Babao, inilahad ng beteranong aktor ang kanyang tunay na damdamin:
“I can see that she’s happy. For a friend, when you see your friend happy, wouldn’t you be happy for them? So as long as she’s happy, then I’m happy for her enormously. Because when the mother of my children is happy, my children are happy as well.”
Ibinahagi rin ni Cesar na nakilala na niya si Atong Ang sa isang birthday celebration ng isa sa kanilang mga anak ni Sunshine. Ayon sa kanya, naging maayos at magalang ang naging usapan nila, at walang awkwardness o tensyon.
“I knew him for a while. We talked but only briefly.”
Ang kanilang open-minded na pag-uugali ay malinaw na nagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Matatandaang nagsimula ang tsismis tungkol kina Sunshine at Atong noong 2024 matapos silang mamataan na magkasama sa ilang pampublikong events. Lalo pang uminit ang balita nang mag-viral ang video ng dalawa na naghahalikan sa isang cockpit arena.
Noong Disyembre 2024, kinumpirma ni Atong Ang ang kanilang relasyon.
Bago si Atong, naging karelasyon ni Sunshine si Macky Mathay sa loob ng anim na taon bago sila naghiwalay noong Setyembre 2022.
Sa ngayon, parehong masaya sa kani-kanilang buhay pag-ibig sina Cesar at Sunshine. Si Cesar ay kasalukuyang in a relationship kay Socorro "Kath" Angeles, at may tatlo silang anak: sina Liam, Samuel, at Kristen.
Patuloy rin ang maayos na co-parenting ng dating mag-asawa sa kanilang tatlong anak: Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.
Sa halip na drama, pagmamahal at respeto ang nangingibabaw sa pagitan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, lalo na pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ipinapakita nito na posibleng mag-move on nang may dignidad at maturity, at mas piliin ang kapakanan ng pamilya kaysa sa nakaraan.
“Basta masaya siya, masaya rin ako. Kapag masaya ang nanay ng mga anak ko, masaya rin ang mga anak ko,” — Cesar Montano
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento