Advertisement

Responsive Advertisement

MGA REQUIREMENTS PARA MALIGTAS SA PAGHUHUKOM, BABALA NI QUIBOLOY: "MAGHANDA KAYO NGAYONG PASKO"

Linggo, Hunyo 15, 2025

 




Nagbabagang pahayag ang muling binitiwan ni Pastor Apollo Quiboloy, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ, matapos niyang sabihin na magkakaroon ng "Judgment Day" sa darating na Pasko, Disyembre 25.


Ayon kay Quiboloy, ito raw ay kaparusahan sa ginawang paglapastangan sa kanya, na aniya'y “Anak ng Diyos” at “Appointed Son of God.”


“Parang ipinako ninyo ako sa krus at ipinatong ang lahat ng kasalanan sa akin na para bang ako ang pinakamasamang tao sa buong sanlibutan,” pahayag ni Quiboloy.


Dagdag pa niya, ang mga paratang na ipinupukol sa kanya ng mga awtoridad sa Amerika, kabilang ang kasong sex trafficking, ay paraan daw ng pagsubok at pagpapahirap sa isang taong inatasan ng Diyos.


“Pinalalabas nila na ako ang pinakamasama, pinakatulisan — gaya ni Jesus Christ noong nasa krus. Parang nag-exacerbate itong Monkey Pox, magiging flesh-eating bacteria ‘yan,” aniya.


Bilang paghahanda sa aniya'y nalalapit na paghatol ng Diyos, muling nanawagan si Quiboloy sa publiko na maghain ng mga "requirements" upang makakuha ng “ligtas-huling paghuhukom certificate” bago ang deadline.


Ayon sa kanya, kinakailangan ng personal na pagpunta sa kanyang tanggapan upang isumite ang mga dokumentong hinihingi ng kanilang grupo. Sinabi niyang ito raw ay para masigurong ligtas ka sa parusang darating sa Disyembre 25.


“Makinig kayo sa akin kasi ako ang kinatawan ng Ama sa lupang ito,” giit pa niya.


Ang muling pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy ay tiyak na muling magdudulot ng diskusyon at reaksyon mula sa publiko. Sa kanyang panawagang maghanda para sa Judgment Day sa darating na Pasko, marami ang nalilito, nangangamba, at nagtatanong kung ano nga ba talaga ang katotohanan.


Habang patuloy ang mga imbestigasyon laban sa kanya sa international level, ang kanyang paninindigan bilang “Anak ng Diyos” at babala ng kapahamakan ay patuloy na naghahati ng opinyon ng sambayanan.


“Kung gusto n’yong maligtas sa paghuhukom, makinig kayo. Ako ang kinatawan ng Ama dito sa lupa,” — Apollo Quiboloy


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento