Sa gitna ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan at mga haka-haka sa social media tungkol sa posibilidad ng World War III, tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang krisis.
“Ang direktiba ni Pangulong Marcos ay malinaw—walang Pilipinong maiiwan. Kung kailangan, ililikas natin sila agad. May mga plano, may pondo, at may aksyon.”
“Hindi ito panahon para matakot. Ito ang panahon para magtiwala sa kakayahan ng gobyerno.” -Claire Castro
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, binigyang-direktiba ng Pangulo ang lahat ng kaugnay na ahensya na unahin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong nasa abroad, lalo na sa mga high-risk zones gaya ng Iran at Israel.
"Ang gusto ng Pangulo ay masiguro ng taumbayan na may kakayahan ang gobyerno na protektahan sila saan mang sulok ng mundo," ani Castro sa isang press briefing.
"Walang dapat ipangamba. Nagtatrabaho ang gobyerno para sa lahat."
Nag-ugat ang pangamba matapos ang balitang airstrikes ng U.S. sa mga nuclear site ng Iran, na agad sinundan ng bantang ganti mula sa Tehran. Ayon kay U.S. President Donald Trump, hindi matitigil ang opensiba hangga’t hindi pumipirma ng kapayapaan ang Iran.
Sa harap ng tensyon, nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kalmado at pananalig sa diplomasya. Katulad ito ng paninindigan ni Pangulong Marcos na isulong ang kapayapaan at repatriation imbes na kaguluhan.
Tinatayang may mahigit 2.2 milyon ang mga Pilipino sa Gitnang Silangan:
30,000 sa Israel
1,180 sa Iran
Kaugnay nito, itinaas na sa Alert Level 3 ang mga bansang ito — nangangahulugang "voluntary repatriation" ay iniaalok ng gobyerno. Mabilis namang kumikilos ang DFA, OWWA, at POEA para mailikas ang mga nais umuwi.
Sa gitna ng alingasngas ng gulo sa Gitnang Silangan, naninindigan ang gobyerno na walang dapat ipangamba ang mga Pilipino. Ang kaligtasan ng bawat OFW ay prayoridad, at ang kapayapaan ay patuloy na isinusulong.
Ang malinaw na plano at maagap na tugon ay patunay ng seryosong pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. sa panahon ng pandaigdigang hamon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento