Ipinahayag ng award-winning actor na si John Arcilla ang kanyang pagkabahala sa biglaang pagdami ng mga malalaking gamu-gamo o ‘mariposa’ sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
“Yes, it’s very alarming. It signifies a threat in our ecological system, Moths and bees are hosts of plant transfers from one territory to another. Their extinction will definitely affect the equilibrium of the ecosystem. It is actually disturbing and fretful.” -John Arcilla
Binigyang-diin pa ng aktor na hindi dapat balewalain ang ganitong klaseng mga pagbabago sa paligid.
Sa isang Facebook post, hindi lang basta pangkaraniwang obserbasyon ang ibinahagi ni Arcilla kundi isang babala tungkol sa posibleng ecological imbalance o pagkagambala ng balanse sa kalikasan.
Ang mariposa ay kilala rin bilang tropical swallowtail moth—isang malaking uri ng gamu-gamo na natural na makikita sa mga lugar na may mga gubat at host plants. Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pagkawala ng mga halaman at natural na tirahan ng mga ito ay maaaring nagtulak sa kanila na lumipat sa urban areas, tulad ng Metro Manila.
Ayon sa mga environmental observers, isa rin sa mga posibleng dahilan ay ang simula ng tag-ulan, kung kailan natural na lumilitaw ang mga moths para magparami. Pero ang dami ng mga ito sa syudad ay hindi raw karaniwan, kaya’t itinuturing na rin itong environmental signal.
Ang pagdami ng mariposa ay hindi lang usapin ng insekto ito ay sintomas ng mas malalim na problema sa kalikasan. Sa panawagan ni John Arcilla, muling napapaalalahanan tayong lahat na pangangalaga sa kalikasan ay hindi dapat isantabi.
Maging sa mga munting nilalang, makikita natin ang epekto ng ating kapabayaan. Sa bawat paglipad ng mariposa, tila may dala silang babala ng pagbabago at pagkakataong kumilos habang maaga pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento