Advertisement

Responsive Advertisement

"NI REJECT NG BODY KO" SINGER KATRINA VELARDE, BALIK PANGO DAHIL SA NOSE IMPLANT COMPLICATION,

Huwebes, Hunyo 12, 2025

 



Nagulat ang maraming fans ng powerhouse singer na si Katrina Velarde matapos niyang ibunyag sa isang Facebook video na siya’y sumailalim kamakailan sa operasyon upang alisin ang silicone implant sa kanyang ilong.


“Alam n’yo naman ako, hindi ako nahihiyang maging totoo. Kung may pinagawa ako, sinasabi ko. Pero ngayong may complications, kailangan ko ring piliin ang health ko. Wala nang mas mahalaga kaysa sa kalusugan.” -Katrina Velarde


Ayon kay Katrina, nagsimulang magpakita ng komplikasyon ang implant apat na taon matapos ang kanyang rhinoplasty, dahilan kung bakit agad siyang kinailangang maoperahan. Isa sa mga naapektuhan ng biglaang operasyon ay ang kanyang dapat na guest performance sa 98 Degrees concert sa Manila.


“After kong mag-post na hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees (concert) at kailangan kong i-cancel ‘yung ibang commitments na dapat kakantahan ko, it’s because I needed to have my nose implant removed as soon as possible,” pahayag ng singer.


Hindi rin ito ang unang beses na kinailangan ni Katrina na ipatanggal ang implant sa kanyang ilong. Sa unang procedure, Gore-Tex ang ginamit, ngunit agad rin itong ni-reject ng kanyang katawan.


“At first, I had Gore-Tex. Ni-reject din siya ng katawan ko right ahead, and then I had it removed also. Tapos itong pangalawa, ito na ‘yung ngayon, at nagkaroon na naman ako ng complication,” kwento niya.


Kilala si Katrina sa pagiging open sa kanyang mga enhancement procedures. Sa isang panayam kay Boy Abunda, inamin niyang nagpaayos na siya ng ilong, labi, baba, at non-surgical eyelid lift.


“Sa panahon ngayon, parang important din po kasi ‘yung physical appearance. Mas naging confident po ako after ng mga procedures,” saad niya noon.


Sa kabila ng glamor ng industriya, pinatunayan ni Katrina Velarde na mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa sa hitsura. Ang kanyang pagiging bukas sa kanyang mga cosmetic enhancements ay hindi lamang pagpapakatotoo, kundi isang paalala sa publiko na lahat ng desisyon—lalo na sa katawan—ay dapat pinag-iisipan nang mabuti.


Sa kanyang tapang at honesty, muling pinahanga ni Katrina hindi lang ang kanyang fans, kundi maging ang mga netizens na naghahanap ng inspirasyon sa pagiging totoo sa sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento