Advertisement

Responsive Advertisement

MUNTIK NANG MA-CANCEL: ALVIN ELCHICO NAGPALIWANAG SA KONTROBERSYAL NA SALITANG 'BEMBANG'

Biyernes, Hunyo 27, 2025

 



Umani ng kaliwa’t kanang reaksiyon sa social media ang beteranong news anchor na si Alvin Elchico matapos gamitin ang salitang “bembang pa more” sa kanyang radio program na Gising Pilipinas. 


Ang salitang ito, na ayon sa mga Gen Z ay tumutukoy sa sekswal na aktibidad, ay ginamit ni Elchico upang ilarawan ang matinding pagkagalit o pagkakagalitan  ang kahulugan nito ayon sa kanyang henerasyon.


“Kinuyog pala ako ng mga kabataan dito,” ani ni Elchico habang natatawa sa kanyang programa. “Iba pala ibig sabihin ng bembang sa mga batang ito! E kasi naman kami, ang ibig sabihin sa amin, kapag nabembang ako, e, napagalitan ako nang todo.”


Ang insidente ay naging dahilan upang pag-usapan ang patuloy na pagbabago ng kahulugan ng mga salita depende sa henerasyon. Habang para sa mga kabataan ngayon ay may mas sensitibong konotasyon ang salitang “bembang,” iginiit ni Elchico na wala siyang masamang intensyon at na ginamit lamang niya ito sa kontekstong alam niya.


Ayon sa kanya, dapat maging bukas tayo sa mga ganitong usapin at huwag agad husgahan ang mga salita base lamang sa kasalukuyang kahulugan nito.


Pahayag ni Alvin Elchico:

“Naging daan ito para pag-usapan ang mga sensitibong paksa gaya ng pagtatalik sa mas bukas at maayos na paraan. Wala namang masama sa usaping pagtatalik parte 'yan ng buhay ng tao. Pero sana rin, maunawaan ng kabataan ang konteksto ng paggamit ko sa salitang 'bembang.' Iba ang ibig sabihin niyan sa amin noon.”


Ang viral na isyu kay Alvin Elchico ay nagpapaalala sa atin na ang wika ay buhay patuloy itong nagbabago depende sa panahon, lipunan, at kultura. Sa halip na manghusga agad, mas mainam na magtanong, makinig, at unawain ang konteksto. Sa ganitong paraan, mas magiging bukas ang komunikasyon sa pagitan ng bawat henerasyon. Ang mahalaga, may respeto at malasakit sa bawat isa dahil sa dulo, lahat tayo ay may gustong maintindihan at maintindihan din.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento