Advertisement

Responsive Advertisement

MAY KINABUKASAN SA BUKID: ESTUDYANTENG FARMER, TRENDING DAHIL SA SUCCESS SA PAGSASAKA "HINDI KO INIWAN ANG BUKID"

Linggo, Hunyo 22, 2025

 



Sa panahon kung saan marami ang lumalayo sa bukid upang makipagsapalaran sa lungsod, may isang binatang piniling manatili sa kanyang pinagmulan at itaas ang dignidad ng mga magsasaka. Siya si Christian Humphrey Lapeciros, isang estudyanteng tubong Paranas, Samar, na pinatunayan sa buong bayan may pera sa pagsasaka, basta't may tiyaga at inobasyon.


“Hindi ko iniwan ang bukid dahil naniniwala akong dito rin pwedeng magsimula ang pagbabago. Pagsasaka ang puso ng Pilipinas. At kung ako mismo ay di maniniwala rito, sino pa?” -Christian Humphrey


Bata pa lamang si Christian ay mulat na siya sa hirap na dinaranas ng mga magsasaka sa kanilang lugar. Araw-araw niyang nasasaksihan ang pagod ng kanyang pamilya at komunidad maghapong nakabilad sa araw, at walang kasiguraduhan kung may aanihin o wala. Ngunit sa halip na talikuran ito, ginawa niya itong inspirasyon upang baguhin ang pananaw ng tao sa agrikultura.


“Mahirap talaga ang pagsasaka. ’Tapos may stigma pa tayo na kapag hindi ka mag-aral nang mabuti, magiging magsasaka ka,” ani Christian sa panayam.


Habang ang iba sa kanilang lugar ay nagtrabaho sa construction o lumuwas ng Maynila para maging call center agents, si Christian ay piniling mag-aral para mas mapaunlad pa ang kanyang hilig ang farming, lalo na sa upgraded native chicken breeding na ngayon ay tinatangkilik sa kanilang komunidad.


Ang kanyang proyekto ay hindi lang basta hanapbuhay — ito rin ay adbokasiya. Nais niyang iparamdam sa bawat batang Pilipino na ang pagsasaka ay isang karapat-dapat na propesyon na may kinabukasan.


“Kung hindi ako ang papasok, sino?” Ito ang tanong ni Christian sa sarili na naging turning point ng kanyang landas bilang isang young farmer-leader.


Ang kwento ni Christian Humphrey Lapeciros ay isang paalala na hindi lahat ng tagumpay ay nasa siyudad. Minsan, nasa kabukiran ang tunay na ginto at ito ay makikita ng mga may malasakit, sipag, at tapang na baguhin ang takbo ng tradisyon. Ang kanyang determinasyon na iangat ang antas ng pagsasaka ay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa buong komunidad ng Samar at mga magsasaka sa bansa.


Sa panahong patuloy na nababawasan ang interes sa agrikultura, ang kwento ni Christian ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na bumalik sa ugat at gawing makabago, makatao, at matagumpay ang larangang ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento