Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI AKO ISDA, TAO AKO": CONTENT CREATOR HUMINGI NG TAWAD MATAPOS ANG VIRAL NA 'FREEZER STUNT' SA ALFAMART

Linggo, Hunyo 22, 2025

 



Nag-viral kamakailan ang isang video ng content creator na si Vivian Vinuya matapos siyang makitang nakahiga sa loob ng ice freezer ng isang Alfamart branch. Ang naturang video ay umani ng batikos mula sa netizens at tuluyang umabot sa panig ng pamunuan ng Alfamart na nag-anunsyo ng posibleng legal na aksyon laban sa kanya.


“Pasensya na po kung nakasakit kami ng brand ninyo. Wala pong masamang intensyon, at kung may paraan po para maitama, bukas po kami sa usapan. Alam kong may pagkukulang at sana po mapatawad n’yo kami.” -Vivian Vinuya 


Sa kanyang Facebook video, humingi ng paumanhin si Vinuya, ngunit sa tila pabirong tono.


"Pasensya kung nagawa ko ’yon. Hahaha. Try again uli," ani Vinuya, sabay tawa habang kinakausap ang management ng Alfamart.


Bumuwelta rin siya sa mga mapanuyang komento ng mga netizens:


“Mukha ka daw bilasang isda?”

➤ "Hindi ako isda, tao ako," sagot niya.


“Umasim daw ang yelo sa Alfamart?”

➤ "Ba’t aasim? Bagong ligo ako nun," dagdag pa niya.


“Kahit nakaplastik ang yelo, dirty na daw kasi dirty ka?”

➤ "Nakaplastik nga, ’di ba? Kung nakabukas ’yon, madumi na. Kung alam lang namin, binili na namin ’yon. Nakakastress."


Samantala, agad na naglabas ng pahayag ang Alfamart Philippines, kung saan mariin nilang kinondena ang “unauthorized and harmful use” ng kanilang kagamitan.


“We uphold the highest standards of hygiene and safety in our stores, and we took swift action to ensure the safety of our customers,” pahayag ng kumpanya. Ayon sa kanila, tinanggal na nila ang lahat ng yelong apektado, nilinis at sinanitize ang freezer, at pinalitan ang buong laman nito.


Nagbabala rin ang kumpanya na magsasampa sila ng kaso hindi lang laban kay Vinuya, kundi maging sa sinumang gagayahin ang kanyang ginawa. Layunin nitong protektahan ang kanilang brand at reputasyon mula sa ganitong uri ng content na itinuturing nilang mapanira at mapanganib.


Ang social media ay isang makapangyarihang plataporma para sa pagpapahayag at aliwan, ngunit dala rin nito ang responsibilidad ng tamang pag-uugali at respeto sa ibang tao o institusyon. Ang ginawa ni Vivian Vinuya ay isang paalala na hindi lahat ng viral ay dapat ikatuwa—lalo na kung may masamang epekto sa kalinisan, negosyo, at pananagutan sa batas.


Nawa’y magsilbing aral ito sa lahat ng content creators na may limitasyon ang “fun” sa internet—lalo na kung kapalit nito ang kaligtasan at reputasyon ng iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento