Hindi pinalampas ni Mamamayang Liberal (ML) Representative-elect Leila de Lima ang privilege speech na ibinigay ni Senator-elect Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong Hunyo 10 sa Senado, kung saan naghain siya ng mosyon na ibasura ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
“Ang pagtatanggol sa isang opisyal ay dapat ibinabatay sa batas, hindi sa pagkakaibigan o pagiging kakampi. Kung hindi natin igagalang ang proseso ng impeachment, binabalewala na rin natin ang prinsipyo ng checks and balances.” -Leila de Lima
Sa matapang na pahayag ni De Lima, binigyang-diin niya ang umano’y kawalan ng sapat na kaalaman ni Dela Rosa sa mga legal at konstitusyonal na isyu, lalo na't hindi ito abogado.
“Bato is not a lawyer. He simply has no discernment of the legal nuances of constitutional issues as fed to him by his legal staff,” ani De Lima.
Dagdag pa niya, kung tunay na naiintindihan ni Dela Rosa ang lalim ng mga usaping legal, hindi na sana siya nagbigay ng pahayag na mababaw at kulang sa batayan.
“If he did, he would know that his speech is poorly argued from a legal standpoint and he will stop talking.”
Ayon kay De Lima, ang isang mosyon para ibasura ang impeachment complaint ay dapat dumaan sa masusing pagsusuri, at hindi lang basta tinatalakay base sa loyalty o emosyon.
Si Dela Rosa ay kilalang kaalyado ng Duterte camp, at matagal nang nagpapahayag ng suporta kay VP Sara Duterte. Ngunit para kay De Lima, ang posisyon sa gobyerno ay may kaakibat na responsibilidad sa integridad at legalidad, lalo na sa usaping impeachment.
Sa muling pag-upo ni Leila de Lima bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal, asahan na ang mas maigting na pagsusuri at pagtutol sa mga hakbang na itinuturing niyang labag sa legal na proseso.
Ang kanyang patutsada laban kay Senador Bato Dela Rosa ay paalala sa publiko na hindi sapat ang posisyon o popularidad para magsalita sa mga seryosong isyung legal—lalo na kung ang nakasalalay ay ang prinsipyo ng konstitusyon, hustisya, at pananagutan.
Habang mainit ang isyu ng impeachment laban kay VP Sara Duterte, mukhang mas iinit pa ang debate sa loob ng Kongreso—lalo na sa pagitan ng mga mambabatas na may magkaibang paniniwala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento