Sa isang di-inaasahang rebelasyon mula kay Vice President Sara Duterte, inilantad niya ang katotohanan sa likod ng mga usapin ukol sa personal na buhay ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa kanya, isa lamang ang totoong naging asawa ng ama niya ang kanyang ina, si Elizabeth Zimmerman.
“Walang makapagsasabing sila ang legal na asawa ng tatay ko. Isa lang ang nanay ko. Lahat ng sumunod, girlfriend lang. Hindi mo puwedeng angkinin ang hindi naging iyo nang buong-buo.” -VP Sara
Sa talumpati ni VP Sara sa “Free Duterte Now” event na ginanap sa Melbourne noong Hunyo 22, tahasang sinabi niyang:
“Alam mo, talino talaga ’tong si President Duterte. Hindi siya nag-asawa ulit. No’ng sila ay naghiwalay ng nanay ko, hindi na siya nag-asawa ulit.”
Bilang patunay ng pagiging tapat ng ama sa paninindigan, iginiit pa niya:
“Wala sa kanila [mga babae] ang makapagsabing siya ang puwedeng pagmamay-ari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil lahat sila ay pare-parehong girlfriend lang.”
Ang pahayag ay isang direktang sagot sa mga espekulasyon ukol sa ugnayan ng dating Pangulo sa ilang personalidad, kabilang na ang umano’y relasyon niya kay Cagayan de Oro Councilor Joyleen “Girlie” Balaba.
Ang mensahe ni VP Sara ay malinaw hindi siya tahimik sa usaping personal kapag alam niyang dapat linawin. Sa panahon na maraming haka-haka ang naglalabasan, pinili niyang itama ang mga impormasyon, hindi para ipagtanggol ang ama sa usaping moralidad, kundi upang ituwid ang istorya ayon sa katotohanan.
Sa gitna ng politika at intriga, ipinapakita ng pamilyang Duterte na hindi kailanman naging isyu sa kanila ang pagiging totoo sa publiko sa mga tagumpay man o sa mga bahaging maselan ng kanilang personal na buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento