Advertisement

Responsive Advertisement

INIWANAN NG PAMILYA, HINDI NG ASO: TAPAT NA ALAGA ANG KAAGAPAY NI LOLO NESTOR SA LABAN NG BUHAY

Linggo, Hunyo 22, 2025

 



Nakakadurog ng puso ang istorya ng isang matandang lalaki na si Lolo Nestor, na sa kabila ng lahat ng hirap at pag-iisa, ay may isang nilalang na hindi siya iniwan—ang kanyang alagang aso na si Sparkle.


“Wala akong kayamanan, wala akong pamilya. Pero may Sparkle ako. Sa kanya ko natutunan na hindi mo kailangan ng marami para maging masaya kailangan mo lang ng kasama na totoo.” - Lolo Nestor


Ayon sa mga ulat, iniwanan si Lolo Nestor ng kanyang sariling pamilya dahil sa matinding kahirapan. Walang sariling bahay, kakarampot lang ang kinikita, at madalas kamoteng kahoy lang ang kanilang kain, ngunit kahit ganito kahirap ang buhay, nananatiling tapat si Sparkle sa kanyang amo.


Hindi kailanman umalis si Sparkle sa tabi ni Lolo Nestor. Kapag umuulan, magkasama silang sumisilong. Kapag gutom, pareho silang naghihintay ng biyaya. Hindi man nakakabigkas ng salita si Sparkle, damang-dama ang pagmamahal at katapatan sa bawat buntot na iwagayway at bawat yapos gamit ang malamig niyang ilong.


“Wala na akong pamilya, pero si Sparkle, hindi niya ako iniwan. Basta may kamote kami, masaya na kami,” ani ni Lolo Nestor habang pinapahiran ang alagang aso ng langis upang maprotektahan ito sa lamok.


Sa isang mundong madalas pinangungunahan ng materyal na bagay at pansariling interes, napakabihira na makatagpo ng walang kundisyong pagmamahal at katapatan. Ngunit ipinakita nina Lolo Nestor at Sparkle na minsan, hindi sa tao natin matatagpuan ang tunay na malasakit kundi sa isang alagang hayop na handang sumama sa hirap, gutom, at ulan.


Ang kwento nila ay hindi lang ukol sa kahirapan, kundi isang paalala ng tunay na pagmamahal, loyalty, at pag-asa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento