Sa gitna ng patuloy na diskusyon tungkol sa privacy ng mga anak ng celebrities sa social media, nagbigay ng matapang na opinyon si Gabby Eigenmann ukol sa mga artistang nagpo-post ng litrato ng kanilang mga anak pero tinatakpan ang mukha.
“Pag nakikita kong may ganun, parang… what’s the post for? Alam mo yun? Kung i-co-cover din, ‘di ba? Huwag na lang. If you wanna stay private, be private, ‘di ba?” ani Gabby.
“If you really want privacy, then be private. Don’t post at all. Kung tinatakpan mo rin lang ang mukha ng anak mo, what’s the point of the post?” dagdag ni Gabby
Dagdag pa ng Kapuso actor, mas mainam na iwasan na lang ang pagpo-post kung talagang nais protektahan ang pribadong buhay ng bata.
Nabanggit din sa panayam ang balitang binalak ni Jake Ejercito na kasuhan ang isang content creator matapos kunan ng video si Ellie, anak niya kay Andi Eigenmann, nang walang pahintulot.
Nagulat si Gabby sa balita ngunit agad din siyang umayon sa desisyon ni Jake, sabay sabing:
“Kung may pera lang din ako, umabot din tayo dun. Gets mo?”
Aniya, kung siya ang nasa kalagayan ni Jake, gagawin din niya ang parehong hakbang.
“That was the right thing to do. I cannot disagree more,” diin niya.
Ipinaliwanag din ni Gabby na hindi lang ito tungkol kay Ellie, kundi tungkol sa lahat ng tao—bata man o matanda—na walang pahintulot na kinukunan ng video o litrato.
“It could be anyone else na pagka tinapatan niyo ng camera, at uncomfortable, you’re invading his space,” dagdag pa niya.
Muling pinatunayan ni Gabby Eigenmann na mahalaga ang paggalang sa privacy, lalo na ng mga bata, kahit sila ay anak pa ng mga sikat. Ang kanyang diretsong pananalita ay tila isang paalala sa publiko at sa kapwa niya artista: kung pipiliing ibahagi ang personal na buhay, gawin ito nang may buong paggalang at kahandaan sa mga epekto nito. Ngunit kung nais talaga ng pribadong buhay para sa pamilya—lalo na sa mga anak—mas mainam na huwag nang ipakita sa social media.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento