Advertisement

Responsive Advertisement

FROM RAP ICON TO TESLA OWNER: ANDREW E. IPINAGMALAKI ANG BAGO NIYANG CYBERTRUCK SA PRESYONG ₱4 MILYON.

Huwebes, Hunyo 26, 2025

 



Naghatid ng kasiyahan at inggit sa social media ang iconic rapper na si Andrew E. matapos niyang ibida ang kanyang bagong biling Tesla Cybertruck habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California.


“Hindi ko ito pinost para magmayabang gusto ko lang ipakita sa mga Pilipino na kaya nating abutin ang mga pangarap natin, basta’t may tiyaga, respeto sa craft, at paniniwala sa sarili. Gamitin mo ang talento mo yun ang tunay na kayamanan.” -Andrew E. 


Sa kanyang Facebook post, makikitang naka-pose si Andrew E. sa tabi ng futuristic na 2025 Tesla Cybertruck, isang high-tech at all-electric na sasakyan na may presyong nagsisimula sa $72,000 o higit ₱4 milyon.


Bukod sa mga larawan, nagbiro pa si Andrew E. sa caption:

“Pareng Elon, balik ko sa’yo ’to after 2 weeks, oke?”

– patungkol kay Tesla CEO Elon Musk.


Ang Cybertruck ay kilala sa kakaibang disenyo, tibay, at advanced na teknolohiya bagay na swak daw sa personalidad ni Andrew E., na mula pa noon ay kilala sa pagiging “astig” at ahead of his time.


Habang bakasyon mode si Andrew E. sa Amerika, patuloy pa rin siyang aktibo sa pagpo-promote ng OPM at nakikipag collaborate sa ilang international creators. Sa kabila ng tagumpay, nananatili raw siyang grounded at nagpapasalamat sa mga biyayang dumarating.


Si Andrew E. ay patunay na walang edad ang pagiging relevant at successful. Mula sa musika hanggang sa mga makabagong sasakyan, patuloy siyang humahataw sa sariling istilo. Ang kanyang post ay hindi lamang pagpapakita ng yaman, kundi paalala rin sa mga kabataan na ang sipag, diskarte, at pagiging totoo sa sarili ay susi sa tagumpay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento