Hindi personal na dumalo si Yanna Motovlog o Alyanna Mari Aguinaldo sa show-cause hearing ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa kanyang viral road rage incident sa Zambales, ngunit nagsumite siya ng isang sulat ng paghingi ng paumanhin sa LTO, sa publiko, at sa nagreklamong truck driver na si Jimmy Pascua.
Sa kanyang sulat na binasa ng kanyang abogado na si Atty. Ace Jurado, sinabi ni Yanna:
"Ako po ay humihingi ng sinserong pagpapaumanhin dahil napagdesisyunan ko na po na hindi na sumagot at humarap nang personal sa show-cause order hearing."
Ipinahayag niya rin ang kahandaang tanggapin anuman ang ipataw sa kanyang parusa:
"Lubos ko pong igagalang at mapagkumbabang tatanggapin ang anumang kaparusahang maaaring ipataw sa akin ng inyong ahensya."
Hindi lamang sa LTO siya humingi ng tawad, kundi pati na rin kay Jimmy Pascua at sa pamilya nito:
"Paulit-ulit po akong humihingi ng sorry sa inyo. Nawa ay maghilom ang sugat na aking naidulot sa tamang panahon."
Dagdag pa niya, humihingi rin siya ng tawad sa publiko na naapektuhan ng kanyang pag-uugali:
"Alam ko pong hindi sapat ang sorry. Ito ang pinakamasakit na katotohanan at leksyon na hinaharap ko ngayon."
Hindi kumbinsido si Jimmy Pascua sa nilalaman ng sulat. Ayon sa kanya:
"Hindi naman sincere ’yung sorry. Tuloy na lang ang kaso."
Si Pascua ang biktima sa viral na insidente kung saan makikitang kinompronta at minura siya ni Yanna habang kinukunan ng video ang kanyang mukha at plaka, bagay na umani ng matinding batikos mula sa netizens.
Ang road rage incident ni Yanna ay patuloy na nagiging mainit na usapin sa social media at ngayon ay isa nang pormal na legal na laban. Bagama’t humingi siya ng paumanhin, maraming netizens — at mismo si Jimmy Pascua — ang tila hindi kumbinsido sa kanyang sinseridad.
"Ito ang pinakamasakit na katotohanan at leksyon na hinaharap ko ngayon. Wala pong ibang may kasalanan kundi ako. Humihingi po ako ng tawad, at sisikapin kong itama ang aking pagkakamali." -Yanna
Ang nangyari ay isang paalala sa mga influencer at content creator: may limitasyon ang pagiging viral, at may pananagutan sa bawat galaw — lalo na sa publiko. See less
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento