Advertisement

Responsive Advertisement

‘ASO KA LANG’ COMMENT NI VICE MAYOR, NAG-VIRAL, HUMINGI NG PAUMANHIN

Sabado, Mayo 24, 2025

 



umingi ng paumanhin si Taytay, Rizal Vice Mayor Pia Cabral matapos mag-viral online ang isang video kung saan siya ay nakitang tila tinutukso ang mga alagang hayop habang nasa house-to-house campaign. Umani ito ng batikos mula sa ilang netizens, lalo na mula sa mga animal welfare advocates na nagsabing hindi ito kaaya-aya para sa isang public servant.


"Ako po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan ng aking post. Hindi ko po intensyon na mambastos o manakit, lalo na sa mga alagang hayop na malapit din sa puso ko. Bilang isang fur-mom at tagasuporta ng animal welfare, patuloy ko pong isusulong ang mga programang para sa kapakanan ng ating mga alaga. Sa pagkukulang kong ito, natuto po ako — at patuloy akong makikinig at matututo para sa ikabubuti ng lahat."-  Vice Mayor Pia Cabral


Sa isang Facebook post, nilinaw ni Cabral na wala siyang intensyong manakit o mambastos ng hayop, at ang kanyang kilos ay bahagi lamang ng masaya at palakaibigang pakikisalamuha sa mga residente at kanilang alaga.


“Nais ko pong linawin na wala po akong masamang intensyon at wala akong minaliit o sinaktan na hayop,” ani Cabral.

“Tinanggal ko na rin agad ang post upang hindi na ito makadagdag sa anumang sama ng loob.”


Partikular na binigyang-linaw ni Cabral ang caption sa nasabing video na may nakasulat na “Aso ka lang.” Ayon sa kanya, ito ay metaphorical at hindi literal na panlalait sa mga hayop.


“Isa lamang po itong expression. Kahit maraming aso patungo sa ating nasasakupan ay aabutin ko po kayo dahil gusto kong maiparating sa inyo ang aking mga plataporma at mga programa na gagawin,” paliwanag ng bise alkalde.


“Hindi ako mapipigilan ng anumang tahol dahil mahal ko ang aking mga kababayan.”


Ang isyu kay Vice Mayor Pia Cabral ay patunay na sa panahon ng social media, kahit biro o simpleng pakikipagkulitan ay maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon. Mahalaga sa isang public servant ang pagiging maingat sa kilos at pananalita, lalo na kung ito ay makikita ng publiko.


Gayunpaman, ang kanyang mabilis na pagtugon, paglilinaw, at paghingi ng tawad ay hakbang tungo sa accountability. Sa kabila ng insidente, iginiit ni Cabral ang kanyang paninindigan para sa animal welfare, na sana’y magsilbing inspirasyon upang mas paigtingin ang mga programa para sa mga hayop sa kanilang bayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento