Tunay Na Dahilan Bakit No-show Ang Lalaking Anak Ni Jaclyn Jose Sa Burol Niya at Di Kasama Si Andi!

Sabado, Marso 9, 2024

 


Dahil hindi pa siya ganap na residente sa Amerika, ang anak ni Jaclyn Jose ay kasalukuyang nag-aaral sa nasabing bansa. Ayon sa aming source, hindi natanggap ng kanyang bunso ang anak na bigla na lamang nawala nang hindi man lang nagpaalam sa kanyang ina.


Mahirap din para sa kanya na malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at mag-isa sa ibang bansa habang nagdadalamhati para sa kanyang ina. Bagaman gusto ng binata na umuwi sa Pilipinas agad, hindi ito madaling gawin sa kanyang sitwasyon. Gayunpaman, ginagawan na ito ng paraan ng kanyang ibang kamag-anak.



Base sa ulat, maraming tumutulong kay Andi Eigenmann ngayon. Kahit na wala ngayon si Gwen sa pag-aasikaso ng burol ng kanilang ina, pinipilit pa rin niyang tumulong.


Bagaman gusto rin ni Gwen na umuwi sa Pilipinas kaagad, hindi ito ganap na madaling gawin dahil sa mga pangarap ni Jaclyn na magkaroon ng magandang edukasyon sa Amerika ang kanyang anak.


Dahil dito, hindi basta-basta na lang siya makakauwi dahil baka hindi na siya mapayagang bumalik sa Amerika. Ang ama ni Gwen ay si Kenneth Ilagan, isang kilalang gitarista ng Filipino rock band na The Dawn.



Matagal naging magkasama sina Kenneth at Jaclyn ng anim na taon at ito ay sinabi mismo ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose. Ang kanilang relasyon ay nauwi rin sa hiwalayan. Sinabi ni Jaclyn Jose sa isang panayam na hindi maganda ang naging hiwalayan nila ng gitaristang ito at mag-isa niyang pinagtaguyod ang kanyang mga anak.


Sa kasalukuyan, naghihintay na lang sila na ma-aprubahan ang request ni Gwen na makauwi sa Pilipinas upang sa huling pagkakataon ay makapagpaalam at makasama ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann sa pagdadalamhati para sa kanilang ina na si Jaclyn Jose.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento